Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Aking Anak ay Naiiba: Pagsuporta Para sa Hirap at GinhawaHalimbawa

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

ARAW 1 NG 8

Ang Bagong Lakbayin

Ang maging magulang ng isang bata na may kapansanan, may natatanging pangangailangan, o talagang naiiba lamang ay isang pagkatawag na hindi "madali". Marahil ito ay ang pagkatawag na hindi mo inaasahang makukuha. 

Takot, pangamba, galit, pagdududa, kaligayahan, pag-asa, kapayapaan, pananabik, pagmamahal—mararamdaman mo ang lahat ng ito sa bawat sandali, bawat araw o bawat linggo. Ang Gabay sa Bibliang ito ay maaaring madatnan ka sa simula pa lamang o tamaan ka sa kalagitnaan ng iyong lakbayin bilang magulang. Marahil ay dadatnan ka nito sa panahong may pag-asa at tibay ng loob. O maaari ring datnan ka nito na ang pakiramdam mo ay nasa pinakamalaking pakikibaka ka sa iyong buhay may-pamilya. 

Hayaan mong ang Gabay sa Bibliang ito ay mangusap sa iyo, kahit saang yugto ka naroroon. Hayaang ang Diyos ay katagpuin ka kung nasaan ka at kunin ang bahagyang bigat mula sa iyo. Maaari kang magsimula nang bagong bersiyon ng iyong lakbayin ngayon. Ang lakbaying kasama ng iyong Ama sa langit, may pakiramdam na handa at namamalas ang Kanyang kapangyarihan na gumagawa sa gitna ng lahat ng iyon. 

Bukas, tatalakayin natin ang ilan sa mga damdamin na may kinalaman sa pagtataka at kalituhan na kinakaharap ng mga magulang at sinisikap na malampasan nang may hindi planadong pagsusuri. Pagkatapos, kukuha tayo ng karunungan mula sa tatlong magulang na patuloy na nagtataguyod sa pamamaraan ng medikal, intelektuwal, developmental, at emosyonal sa mga batang naiiba. 

Walang mahiwagang pormula para maging mas maayos ang lahat. Hindi pawang magaganda lamang. Subalit, may mga hindi natitinag na katotohanan at aral na matututunan mula sa Diyos. Ito ay ang mga panalangin natin na nagbigay ng kontribusyon sa Gabay sa Biblia na ito, na ang Diyos ay mangungusap sa iyo at kakatagpuin ka kung saan kailangan mo Siya habang ikaw ay nagbabasa. 

Journal: Maglabas ng bagong Word doc o bagong journal. Isulat ang tungkol sa iyong kasalukuyang lakbayin sa may mga pantanging pangangailangan at kapansanan. Isulat kung saan umaasa ka na kakatagpuin ka ng Diyos habang binabasa mo ang Gabay sa Biblia na ito. Isulat mo ito.  

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

My Child’s Different: Support for the Ups & Downs

Ang Gabay sa Biblia na ito ay para sa mga magulang ng mga bata na may kapansanan, naiiba, o may pantanging pangangailangan ng anumang uri—nasaang bahagi ka man ng iyong lakbayin. Magbasa mula sa ibang mga magulang at tagapagtaguyod kung paano humarap sa lahat ng mga nararamdaman, paglutas ng mga pagsubok, at masiyahan sa tagumpay pagdating sa pagpapalaki ng bata na naiiba.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/