Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Daan Pabalik sa PanginoonHalimbawa

Finding Your Way Back To God

ARAW 5 NG 5

Ito ang pagiging buhay!

May pangarap ang Diyos para sa mundong ito, at inaanyayahan ka Niyang maging bahagi nito. Ito ay isang pangarap ng Diyos na mahirap tanggihan at nagsimula pa sa kawalang-hanggan. Ito ay pangarap para sa iyong buhay, sa iyong pamayanan, at sa buong mundo.

Pangarap ng Panginoon na ipamuhay mo ang bawat sandali ng iyong buhay nang may matibay na paniniwala na marubdob at walang humpay ang pagmamahal Niya para sa iyo. Ang Kanyang pangarap ay ang maging handa kang mahalin ang ibang tao sapagkat alam mong ipinagsapalaran ng Diyos ang lahat sa pagmamahal Niya sa iyo.

Kaya nga ang kahuli-hulihang pagkamulat mo sa iyong paglalakbay pabalik sa Panginoon ay ang pagkamulat sa buhay. Kapag tayo ay tunay ngang mulat na sa bagong buhay na iniaalay ng Diyos para sa atin na kasama Siya, nababago ang tingin natin sa mga bagay na maaaring mangyari sa atin sa hinaharap. Nasasabi natin, “Ito nga ang pagiging buhay!” ngunit napapagtanto natin na ang “mabuhay” ay may ibang pakahulugan na ngayon. Nangangahulugan ito ng buhay na mas mainam, mas malaki at mas may kahulugan kaysa dati.

Ang bagong uri ng pamumuhay mo kasama si Jesus ay isang paglalakbay na hindi mo kinakailangang gawing mag-isa. Hindi mo na kailanman kailangang mamuhay muli na hiwalay sa iyong Ama sa langit. Kung nakikita mo ang sariling nagiging kampante, naghahanap ng mga pwedeng kapalit, nag-iisip na nasa iyo na ang lahat ng mga kasagutan na kailangan mo para sa iyong sarili . . . alam mo na ang kailangan mong gawin.

Bumalik ka sa buhay ng pagiging tunay na buhay! Alam mo na ang daan, at dito ka tunay na nararapat manahan.

Sa mga susunod na taon, maging handa ka sa uri ng pamumuhay na kakaiba sa anumang inaakala mong posible nang ikaw ay bumalik sa daang iyong tinahak nang humingi ka ng tulong sa ating Ama. Ang pagkamulat sa buhay na ito ay may kasamang mga impluwensya at mga pagkakataong hindi mo inaasahan. Paano nangyari ito? Ito ay sapagkat si Cristo ay buhay at Siya'y nasa iyo, at dahil dito, ang lahat ay maaaring magbago. Ngayon, kung may kawalang-pag-asa, maaari kang magdulot ng pag-asa. Maipapakita mo sa mga bilanggo ang daan patungo sa kalayaan. Ngayon, maaari kang maging ilaw sa kadiliman.

At ito ang tunay na pagiging buhay!

Hanapin mo ang iyong lugar sa pamayanan ng mga anak ng Diyos na tunay na nagpapasalamat sa Ama. Makipag-ugnayan sa kanila, matuto at gumawa kasama sila, upang magkaroon ng kaibahan para sa isang mainam na buhay may-asawa, kaibahan sa tahanan, sa paaralan, sa lugar kung saan ikaw ay nagtatrabaho at sa iyong pamayanan.

Patuloy nating tulungan ang ibang taong matagpuan ang daan pabalik sa Panginoon. Doon nga naghihintay ang tunay na pagdiriwang.

Sa pagbabalik-tanaw mo sa limang-araw na debosyonal na ito, anong “pagkamulat” ang lubos na tumatak sa iyo? Sa paniniwala mo, saang susunod na hakbang ka tinatawag ng Panginoon?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Way Back To God

May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga tatak ng ating pinagdaanan—o ng ating pagkagising—sa ating paghanap sa daan pabalik sa Diyos. Maglakbay sa bawat karanasang ito at hayaang maging mas maikli ang distansya sa pagitan ng kinaroroonan mo ngayon at sa kung saan mo gustong pumaroon. Kung nais nating matagpuan ang Panginoon, mas ninanais Niyang matagpuan Siya.

More

Nais naming pasalamatan sina Dave Ferguson, Jon Ferguson at ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa kanilang pagpapagamit ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://yourwayback.org/