Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Daan Pabalik sa PanginoonHalimbawa

Finding Your Way Back To God

ARAW 3 NG 5

Hindi Ko Ito Kakayaning Mag-isa

Nasaan man tayo ngayon sa ating paglalakbay patungo sa daan pabalik sa Diyos, lahat tayo ay may mga bagay na hindi pa natin nabibitawan. Para sa ilan, ito ay isang sikretong gawain o asal na walang nakakaalam. Para sa iba, malinaw kung ano ang ating mga hinahabol.

Alin ang sa iyo? Ano ang kailangan mong pakawalan? Bihira na bibigyan ka ng Diyos ng bago hangga't hindi mo pa pinapakawalan ang isang bagay na luma at sira na.

Kaya't ang susunod na hakbang patungo sa paggising sa panghihinayang ay ang paggising sa tulong. Isinusulong tayo ng ikatlong hakbang papalapit sa Diyos dahil napagtanto natin na hindi natin magagawa ito nang nag-iisa. Ano ang susunod?

Tatawag tayo. Makikipag-usap tayo. Sasali tayo sa isang support group. Matatagpuan natin ang ating sarili na nasa likurang upuan ng simbahan. Mapapaluhod tayo at iiyak nang, “Panginoon, kung totoo ka . . . !”

Ang pagtalikod sa mga maling pagpili at ang paghingi ng tulong ay bahagi ng pagsisisi. Ang pagsisisi ay pag-uwi, pagbalik sa iyong pinanggalingan at kung saan ka kabahagi. Ang pag-uwi ay tungkol sa pagtanggap ng kapatawaran at pagtanggap ng pangako ng buhay pagkatapos ng buhay na ito, at tungkol rin ito sa pagtuklas ng bagong kahulugan at direksyon sa buhay na hindi mo matatagpuan saan man. Tungkol ito sa ugnayan sa Diyos. Tungkol ito sa pagbabago ng direksyon ng iyong buhay at pagbalik sa lugar kung saan ka nanggaling at kung saan ka kabahagi. Kapag ikaw ay nagsisi, binabago ka ng Diyos. Binago ka. Sinasabi ng Biblia na nananahan ang Espiritu ng Diyos sa iyo, at ito ay nagbubunga ng nakikita at patuloy na pagbabago.

Tandaan na ang pagsisisi ay hindi nangangahulugang pangit ang pakiramdam. Sa katunayan, sinasabi ng Biblia na ang hantungan ng tunay na pagsisisi ay “mga panahon ng kasariwaan” mula sa Diyos. Ang pagsisisi ay tungkol sa pagsisimulang muli at pag-aming, “Kailangan ko ng tulong.” Ang panawagang magsisi, tumalikod sa kasalanan at umuwi sa Diyos, ay para sa lahat.

Maaaring ito ang araw ng iyong pag-uwi. Tumayo ka mula sa iyong kinalalagyan at umuwi kung saan ka kabahagi. Hindi mahalaga kung anuman ang mga maling desisyong ginawa mo noon. Sinasabi ng Diyos, “Anuman ang nagawa mo, ano ka man ngayon, ay hindi mahalaga. Basta umuwi ka na.”

Ano ang kailangan mong pagsisihan ngayon? Paano magdudulot ang pagsisisi ng “panahon ng kasariwaan” mula sa Diyos?

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Way Back To God

May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga tatak ng ating pinagdaanan—o ng ating pagkagising—sa ating paghanap sa daan pabalik sa Diyos. Maglakbay sa bawat karanasang ito at hayaang maging mas maikli ang distansya sa pagitan ng kinaroroonan mo ngayon at sa kung saan mo gustong pumaroon. Kung nais nating matagpuan ang Panginoon, mas ninanais Niyang matagpuan Siya.

More

Nais naming pasalamatan sina Dave Ferguson, Jon Ferguson at ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa kanilang pagpapagamit ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://yourwayback.org/