Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Daan Pabalik sa PanginoonHalimbawa

Finding Your Way Back To God

ARAW 2 NG 5

Sana'y Makapagsimula Ako Muli

Ang susunod na hakbang sa panunumbalik sa Diyos ay tatawagin nating paggising mula sa panghihinayang. Siniyasat mo ang buhay mo isang umaga at napagtanto mong bagama't talagang sinikap mo, hindi pala maayos ang buhay mo. Puno ka ng pagkabigo at matinding pagsisisi. At ngayong naliwanagan ka na tungkol sa mga bagay-bagay, gustong-gusto mo ng isa pang pagkakataon. Kaya lang hindi ka siguradong may paparating pa.

Kung iisipin, bakit ka bibigyan ng isa pang pagkakataon?

Pero diyan ka lang.

Nasa saloobin natin na ang bawat isa'y nagmula sa kabutihan at pagmamahal at tayo'y nilikha para sa higit pa nito. Kapag nasa ibaba tayo at naiisip natin kung gaano kalaking kaguluhan na ang kinasasadlakan natin, ang reaksiyon natin ay, “Sana makapagsimula ako muli.”

Ang maganda rito, maaari kang makapagsimula muli. May basehan ang paniniwalang tayo'y nilikha para sa kabutihan at pag-ibig. Pinahihintulutan tayo ng Diyos na makapagsimula muli.

Sa marami sa atin, kapag handa na tayong magsimula muli ay gusto lang natin bumalik sa kung nasaan tayo bago nagkagulo ang lahat. Nguni't iba ang nasa isip ng Diyos. Hindi sapat sa Kanya ang bumalik lang tayo sa dating buhay na nasa isip natin. Ibig Niyang maranasan natin ang tunay na kakaibang buhay. Hindi lang ang hinaharap mo ang magbabago kapag nahanap mo na muli ang Diyos; pati ang nakalipas at kasalukuyan mo ay magbabago rin.

Handa ka na bang iwanan ang araw-araw mong buhay na may lungkot mula sa nakalipas, walang layunin sa kasalukuyan, at walang kasiguruhan para sa kinabukasan? Ang paglalakbay mo mula sa panghihinayang patungo sa Diyos ay maghahatid sa iyo sa isang mas malalim, mas totoong buhay—gaya ng buhay na inaanyayahan kang magsimula muli ngayon at mamuhay sa paraan na pinangarap ng Diyos para sa iyo . . . magpakailanman.

Paano ka binibigyan ng Diyos ng pagkakataong magsimula muli? Paano mababago ang pananaw mo tungkol sa kinabukasan?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Your Way Back To God

May hinahanap ka bang higit pa sa iyong buhay? Ang paghahangad ng higit pa ay nangangahulugan lamang ng pagnanais mong bumalik sa Diyos—saan man naroon ang iyong ugnayan sa Panginoon ngayon. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga tatak ng ating pinagdaanan—o ng ating pagkagising—sa ating paghanap sa daan pabalik sa Diyos. Maglakbay sa bawat karanasang ito at hayaang maging mas maikli ang distansya sa pagitan ng kinaroroonan mo ngayon at sa kung saan mo gustong pumaroon. Kung nais nating matagpuan ang Panginoon, mas ninanais Niyang matagpuan Siya.

More

Nais naming pasalamatan sina Dave Ferguson, Jon Ferguson at ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa kanilang pagpapagamit ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://yourwayback.org/