Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa
Kung natanggap mo si Cristo bilang iyong personal na Tagapagligtas, ikaw ay isang bagong nilalang. "Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago!" Sa nakalipas na linggo, binalikan mo ang nakaraan upang alalahanin ang kapangyarihan ng Diyos, ang Kanyang katapatan, ang mga taong Kanyang itinalaga upang hubugin ang iyong pagkatao, at ang pinakamahalagang sakripisyong Kanyang ginawa para sa atin. Ngayon, magnilay-nilay sa mga salitang makikita sa 2 Mga Taga-Corinto 5:11-21 tungkol sa nakapangliligtas na kapangyarihan ng kapatawaran ng Diyos. Walang mas makapangyarihan, tapat, sagrado, at nakakapagbagong-buhay maliban sa pagpapatawad ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesu-Cristo. Ngayon, alalahanin ang mga pagbabago sa iyong buhay na iyong naranasan dahil sa Kanyang kapatawaran. Ganap na kalimutan ang iyong dating buhay bagkus alalahanin ang araw na nagbago ang iyong buhay kailan pa man. Purihin ang Diyos at pasalamatan Siya sa iyong bagong buhay kay Cristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Likas na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang gabay na ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church