Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa
Ang Diyos ay isang makapangyarihang Diyos. Walang imposible sa Kanya. Kayang Niyang pagalawin ang mga bundok, patigilin ang pagsikat ng araw, pagalingin ang may sakit. Sa Josue kabanata 4, nabasa natin kung paano nakumpleto ang napakahirap na gawain na dalhin ang mga Israelita sa Lupang Pinangako. Pinamunuan ng Diyos ang mga Israelita makaalis sa kaalipinan patungo sa kalayaan tulad ng Kanyang ipinangako. Dahil sa kalakhan ng Kanyang ginawa, hindi ninais ng Panginoon na makalimutan Siya ng mga Israelita at ang mga nagawa Niya para sa kanila. Ninais ng Diyos na alalahanin Siya ng mga ito magpakailanman, ang mga himala na Kanyang ginawa para sa kanila at kung gaano Siya kadakila at makapangyarihan. Magbalik-tanaw saglit. Maraming kagulat-gulat na mga bagay ang ginawa ang Diyos sa iyong buhay. Maari Siyang gumawa ng isang himala na ikaw ay pagalingin o iligtas sa iyong pagkalulong sa isang adiksyon patungo sa iyong sariling Lupang Pangako. Magnilay-nilay ngayon upang alalahanin ang napakaraming bagay na ginawa para sa iyo ng Diyos. Purihin Siya at mangako sa Kanya na hindi mo kalilimutan ang mga kagulat-gulat na mga bagay na Kanyang ginawa para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Likas na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang gabay na ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church