Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa
Ang komunyon ay isang akto ng pagalaala. Sa talata 19, sinabi ni Jesus, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Sa tuwing makikisalo tayo sa komunyon ay inaalala natin ang pinakamahalagang sakrispiyo na ginawa ni Cristo sa pagpanaw sa krus para sa ating mga kasalanan. Maglaan ng oras ngayon upang alalahanin ang sakripisyong ito. Dahil sa Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay mayroon kang bagong buhay, kaya huwag mong kalilimutan ang pinakamahalagang sakripisyo na ginawa ni Cristo para sa iyo. Ang iyong hinaharap ay nagbago na. Sa iyong kaginhawahan, makisalo sa komunyon ngayon. Kasabay ng iyong pagtanggap ng komunyon, sundin ang utos ni Jesus at alalahanin Siya sa pagtanggap mo ng banal na Eukaristiya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Likas na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang gabay na ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church