Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng DiyosHalimbawa
Ang Awit 91 ay tungkol sa katapatan ng Panginoon. Sa salmong ito, mababasa natin na ang Diyos ay ang ating kanlungan, Siya ang ating muog, Nililigtas Niya tayo, at ipinagtatanggol. Ang Awit na ito ay tumutuon sa isang simpleng katunayan: Ang Diyos ay tapat sa anumang pagkakataon. Palagi Siyang nariyan sa panahon ng kasaganahan at sa panahong hindi masyado. Palagi Siyang nariyan kahit hindi mo nararamdaman. Magkakaiba ang mga paglalakbay sa paglago kay Cristo, ngunit ang Kanyang katapatan ay nananatiling pareha. Naranasan mo na ba ang katapatan ng Diyos sa iyong buhay? Maglaan ng oras upang alalahanin ang Kanyang katapatan at paano Niya ito inihatid sa iba't-ibang bahagi ng iyong buhay. Pasalamatan Siya sa Kanyang katapatan at maginhawahan sa kaalamang lagi Siyang nariyan para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Likas na kagawian natin ang tumingin sa hinaharap, ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang nakaraan. Ang gabay na ito ay idinisenyo para sa 5 araw upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos upang hubugin ka sa kung sino ka ngayon. Sa bawat araw, ikaw ay makatatanggap ng isang babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal upang tulungan kang alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa iyong paglalakbay kay Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang finds.life.church
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church