Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Barandilya: Ang Pag-iwas sa Pagsisisihan sa Iyong BuhayHalimbawa

Guardrails: Avoiding Regrets In Your Life

ARAW 5 NG 5

Nasa bahay man tayo o nasa trabaho, miyembro ng isang barkada o isang pamilya, natutunan na nating lahat kung paano bantayan at baguhin ang ating mga kinikilos. Umupo nang tuwid. Makiusap nang maayos. Suotin ito. Gawin iyon. 

Ngunit paminsan-minsan, nakakapagsabi o nakakagawa tayo ng mga bagay na tila hindi matino. Tila may nag-umapaw—maaring silakbo ng galit o mapait na pananalita. Maaari pa nating sabihin pagkatapos ang, "Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon!" 

Ngunit alam natin, kung may sapat na katapatan at tapang tayong harapin ito. Ito ay nagmumula sa loob natin. Kapwang si Jesus at si Haring Soloman ang nagsasabi sa atin na ang problema ay ang nasa puso natin. 

Kailangan natin ng mga barandilya para sa ating mga puso. Dahil, kalaunan, ang kinikilos natin (sa labas) ay magsasalamin sa kung ano ang nangyayari sa loob.

May apat na emosyon na dapat umalarma sa ating mga konsensiya. Kapag naganap dapat tayong huminto panandali upang tumingin papaloob nang makita kung ano ang nangyayari sa ating mga puso. Ang mga ito ay damdaming pagtuligsa sa sarili, galit, kasakiman, at inggit.

Ang damdaming pagtuligsa sa sarili ang nagsasabing, "May utang ako sa'yo." May utang ako sa'yo dahil may kinuha ako mula sa'yo. Bilang tugon sa damdaming pagtuligsa sa sarili, magtapat. Ipagtapat sa taong napinsala; dalhin ito sa liwanag.

Galit ang nagsasabing, "May utang ka sa'kin." Sinaktan mo ako o may kinuha ka mula sa'kin. Bilang tugon sa galit, magpatawad. Patawarin ang taong may pagkakautang sa'yo. Kanselahin na ang pagkakautang. 

Kasakiman ang nagsasabing, "Utang ko sa sarili ko." Kasakiman ang pagpapalagay na ang lahat ay para sa aking kapakinabangan. Bilang tugon sa kasakiman, magbigay. Maging isang bukas-palad na tagapagbigay. Walang inaasahang balik. Walang pagkukuwenta.

Inggit ang nagsasabing, "Utang ito ng buhay sa'kin." May ibang nakakuha ng bagay/tao na dapat sa akin. Bilang tugon sa inggit, ipagbunyi ang taong nakakuha. Sulatan sila. Papurihan sila sa mismong bagay na kinaiinggitan mo.

Kapag bumangga tayo sa mga barandilyang pang-emosyon na mga ito, kailangan nating bigyang-pansin. Inaalerto tayo ng mga ito sa peligro. Kapag binalewala ang mga ito, pagsisisi ang maghihintay sa atin sa kabilang dako. 

Kung nagustuhan mo ang gabay na ito, panoorin ang limang mensaheng video ni Andy Stanley patungkol sa Mga Barandilya - at dose-dosena pang ibang libreng mga Bible study video - sa http://anthology.study.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Guardrails: Avoiding Regrets In Your Life

Ang mga barandilya ay inilalagay upang hindi malihis ang ating mga sasakyan sa mga peligroso o hindi maaaring puntahang mga lugar. Madalas ay hindi natin nakikita ang mga ito hangga't sa kailangan na natin silang makita—at talaga namang nagpapasalamat tayong naroon ang mga ito. Ano kaya kung mayroon din tayong mga barandilya sa ating mga relasyon, sa ating pananalapi, at sa ating mga karera? Ano kaya ang anyo ng mga iyon? Paano kaya tayo maiiiwas ng mga ito sa mga pagsisisi sa hinaharap? Sa susunod na limang araw, sasaliksikin natin kung paano magtatag ng mga personal na barandilya.

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Ministries at si Andy Stanley para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: https://www.anthology.study/anthology-app