Kilala Kita: Mga Debosyon Mula sa Time of GraceHalimbawa
Alam Ko Ang Iyong Pagmamahal at Pananampalataya
Lahat tayo ay sabik sa pagkilala ng iba. Sige lang aminin mo na. Sa tuwing tayo ay may nagagawang mabuti o nakakatulong sa iba, inaasahan at nag-aasam tayong makarinig ng "Ang galing mo talaga!" o "Kahanga-hanga ka!" Gayunpaman, karamihan sa mga dakilang gawang pananampalataya ay ginawa nang mayroon lamang iilang saksi o maaaring wala ni isa. Sino ang nakakakita ng mga oras na inilalaan mo para sa isang taong may cerebral palsy? Sino ang nakakakita sa iyo tuwing nililinis mo ang bakuran ng iyong matandang balong kapit-bahay? Sa tuwing tinutulungan mo ang iyong bayaw na kalkulahin ang kanyang buwis sapagkat mahina siya sa numero? Sa tuwing tumutulong kang mamili para sa taong walang kakayahang lumabas ng tahanan dahil sa karamdaman o kapansanan? Sa tuwing tinuturuan mo ang isang mag-aaral na nahihirapan sa kanyang aralin? Sa tuwing ginugugol mo ang iyong oras sa telepono para sa iyong kaibigang may tangkang wakasan ang kanyang buhay?
Nakikita iyan ng Panginoon. Maaari mong isipin na nakikita Niya ang lahat at sa bawat oras na tumutulong ka sa paglalakbay ng isang tao, nagagalak ang Diyos. Sinabi Niya sa mga Cristiano sa Tiatira, "Nalalaman ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una." (Pahayag 2:19)
Nang umalis si Jesus sa daigdig, ipinadala Niya ang kanyang Espiritu upang bigyan tayo ng lakas para sa ating promosyon. Iniatang Niya sa atin ang kanyang gawain--ang ipahayag ang mabuting balita at patotohanan ang mensahe nito sa pamamagitan ng ating pamumuhay na ayon dito. Hindi mo kailangang mabahala kung para bang hindi napapansin at napapahalagahan ang pagtulong mo sa ibang tao. Ang Tanging dapat mong pahalagahan ay tunay na nagagalak sa iyong mga ginagawa.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Natatangi ang pagkakalikha ng Diyos sa bawat isa sa atin. At alam Niya ang ating mga kalungkutan, kinagagalakan, kalakasan, at kahinaan.
More
Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.timeofgrace.org