Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala Kita: Mga Debosyon Mula sa Time of GraceHalimbawa

I Know You: Devotions From Time of Grace

ARAW 3 NG 4

Alam Ko Ang Iyong Kapighatian at Kahirapan

Lahat tayo ay gustong nakakarinig ng masasayang kwento ng tagumpay sa buhay ng mga Cristiano. Bawat taong may tangang micropono at nagpapatotoo ay tila ba laging may magandang wakas. Siguradong palaging may makikinig kapag ang mensahe ay "Ako ay Nagwagi". Sino nga ba ang may gusto na makarinig ng personal na pagpapatotoo ng isang Kristiyanong nakakaranas ng pighati at kawalan ng pera?

Gusto iyan ng Diyos. Nais Niya tayong marinig hindi lamang sa panahon na umaayon ang lahat sa atin, sa panahong tayo ay masagana, nakadarama ng mabuti, may maayos na hanap-buhay at buo ang pamilya. Kilala at mahal Niya rin tayo sa panahong nagdurusa tayo dahil sa leukemia, MS, cerebral palsy o Down Syndrome. Mahal Niya tayo sa panahong nahaharap tayo sa abogado upang magdeklara ng bankruptcy o upang makatanggap ng petisyon para sa diborsyo. Mahal Niya tayo kahit na tayo ay nasa loob ng bilangguan, rehab o sumasailalim sa psychiatric counseling.

Alam Niyang nasira tayo. Kaya't batid Niya na kailangan Niyang magsugo ng Tagapagligtas--sapagkat wala na tayong kakayahang iligtas ang ating mga sarili. Sinabi ng Panginoon sa Iglesya sa Esmirna, "Nalalaman ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka." (Pahayag 2:9). Ang kanila, at ating, kayamanan ay hindi base sa salapi at mga ari-arian. Ito ay batay sa pagmamahal na ipinakita at ipinahayag sa atin mula sa buhay na banal at gawa ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang kanila, at ating, kayamanan ay mula sa pagiging kabilang natin sa pamilya ng Diyos at sa ating kakayahang tumawag sa Diyos Ama.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

I Know You: Devotions From Time of Grace

Natatangi ang pagkakalikha ng Diyos sa bawat isa sa atin. At alam Niya ang ating mga kalungkutan, kinagagalakan, kalakasan, at kahinaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.timeofgrace.org