Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala Kita: Mga Debosyon Mula sa Time of GraceHalimbawa

I Know You: Devotions From Time of Grace

ARAW 1 NG 4

Alam Ko Kung Saan Ka Nakatira

Tumira at nakapagtrabaho na ako sa ilang hindi kanais-nais na lugar nitong mga nakakalipas na taon. Ngunit kahit kailan hindi naging kasing hirap ang buhay ko ng sa mga taga-Pergamo sa kanlurang Asia Menor. Si Satanas ang naghahari doon, at ang napakalaking paganong altar kay Zeus na itinayo doon (isa nang museong Aleman) ang isa sa mga instrumento ni Satanas para lituhin at linlangin ang mga tao.

Ang lumalaking presensiya ng mga Cristiano sa Pergamo ay nagsanhi ng nagngangalit na panablang-salakay mula sa mga pari ni Zeus at mga demonyo ni Satanas. Ngunit nakita ng Diyos ang lahat ng nangyayari doon, alam Niya kung saan nandoon ang bawat isang mananampalataya, at inareglo Niya ang lahat ng mga pangyayari, pati ang kanilang mga pagdurusa, upang maisulong ang Kanyang kaharian ng mga mananampalataya. "Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas." (Pahayag 2:13).

Alam din ng Diyos kung saan ka nakatira. Nakikita Niya ang mga peligrong hinaharap mo, nalulungkot Siya sa iyong mga pagkatalo at pasakit, nagpapadala Siya ng mga anghel upang protektahan ka at iyong pamilya, at minamasdan Niya kung paano mo hinaharap ang mga tukso at kagipitan. Ang lubusang ninanais Niya para sa iyo ay ang manatili kang tapat. Hindi nawala ang makalangit na gantimpalaa sa pagkamartir ni Antipas--sa katunayan, napabilis ang kanyang paroroon sa gloria. Ang kanyang magiting na halimbawa ay naulit nang maraming ulit at nagbigay inspirasyon sa mabilis na paglago ng Cristianong iglesia.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

I Know You: Devotions From Time of Grace

Natatangi ang pagkakalikha ng Diyos sa bawat isa sa atin. At alam Niya ang ating mga kalungkutan, kinagagalakan, kalakasan, at kahinaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.timeofgrace.org