Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kilala Kita: Mga Debosyon Mula sa Time of GraceHalimbawa

I Know You: Devotions From Time of Grace

ARAW 2 NG 4

Alam Kong Kaunti Ang Iyong Lakas

"Alam ko ang pinagdaraanan mo." Maaaring naririnig mo ito sa mga kaibigan mong nais magparamdam ng simpatiya sa iyo. Gustong-gusto mo silang balikan ng, "Ni sa hinagap ay hindi mo alam ang pinagdaraanan ko," ngunit "Oo" na lang ang nasasabi mo.

Alam ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa buhay natin. Nagdiriwang Siya at ang mga anghel sa ating mga tagumpay, dumadaing sa ating mga pagsususbok, at namamagitan sa mga mahahalagang pagkakataon upang mapanatili tayo sa landas patungong langit, ginagamot ang ating mga sugat, itinatayo muli sa ating mga pagkabagsak, at binibigyan ng buwelo upang makapagpatuloy.

Alam ng Diyos na mahina tayo paminsan. Sinabihan Niya ang mga nahihirapang mga Cristiano sa Asianong lungsod ng Philadelphia ng, " Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin." (Pahayag 3:8). May kinalaman man sa salapi, pamilya, relasyon, kalusugan, o negosyo, may kahabagan ang Diyos sa ating mga pantaong kahinaan. Hindi Niya tayo kinamumuhian dahil hindi tayo superman o superwoman. Maaari pa ngang pinapayagan Niya ang mga pagsubok na iyon upang lumapit tayo sa Kanya. Pinaka-interesado Siya sa ating pananampalataya sa ating Tagapagligtas na si Jesus. Sumusuko na ba tayo sa mga pangako ng Mabuting Balita? Hinimok ng Diyos ang mga Cristiano ng Philadelphia, at hinihimok ka rin Niya, na ingatan ang mga tagubilin Niya sa iyo upang hindi maagaw ninuman ang iyong gantimpala. Magtagumpay, gagawin ka Niyang isang haligi sa makalangit na templo.

Maari kang mamatay na isang may utang, ngunit konektado kay Jesus magigising ka sa langit na isang espirituwal na milyonaryo.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

I Know You: Devotions From Time of Grace

Natatangi ang pagkakalikha ng Diyos sa bawat isa sa atin. At alam Niya ang ating mga kalungkutan, kinagagalakan, kalakasan, at kahinaan.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.timeofgrace.org