Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Mga Pakikipag-usap Sa DiyosHalimbawa

Living Changed: Conversations With God

ARAW 2 NG 7

Papuri at Pasasalamat

Kung nagsisimula ka pa lang makipag-usap sa Diyos, maaaring ang panalangin ay hindi pa rin komportable. Kahit na ilang taon ka nang nagdarasal, minsan ay mahirap magsimula. 

Ang isa sa pinakasimple at pinakamahusay na paraan upang simulan ang pakikipag-usap sa Diyos ay sa pamamagitan ng pasasalamat sa Kanya. Dahil sa huli, gusto ng lahat na makaramdam ng pagpapahalaga!

Magpasalamat sa Diyos para sa iyong tahanan, sa iyong sasakyan, at sa trabahong gusto mo. Sabihin mo sa Kanya na nagpapasalamat ka sa hangin na iyong nilalanghap, sa iyong mabuting kalusugan, at sa pamilyang nagpapasaya sa iyo. Sabihin mo sa Kanya na salamat sa pagbibigay sa iyo ng patnubay at lakas ng loob sa pamamagitan ng Kanyang salita sa Biblia. At magpasalamat sa Kanyang pagpapadala sa Kanyang anak na si Jesus upang mamatay sa isang kamatayan na hindi karapat-dapat sa Kanya para bigyan ka ng regalo ng buhay na walang hanggan na hindi mo kailanman makakamit. 

Kapag nagpapasalamat tayo sa Diyos, kinikilala natin ang Kanyang kapangyarihan, ang Kanyang presensya, at ang Kanyang probisyon sa ating buhay. Binabago nito ang paraan kung paano natin Siya nakikilala, at binabago nito ang paraan ng pagtingin natin sa ating mga kalagayan. Kahit na mahirap ang mga bagay-bagay, imposibleng maupo at magpakulong sa lahat ng negatibo kapag pinupuri mo ang Diyos kung sino Siya at lahat ng Kanyang nagawa. Ang pagbibigay ng pasasalamat sa Diyos ay nagpipilit sa atin na talikuran ang sakit ng ating damdamin at tumingin sa Kanya. Kapag ang ating mga mata ay nakatuon sa Kanya, ang tanging makikita natin ay ang Kanyang kadakilaan, at ito ay nagpapaalala sa atin na wala sa ating mga problema ang napakalaki para sa ating makapangyarihang Diyos. 

Sa pamamagitan ng pagpupuri sa Diyos sa simula pa lang, binabago natin kung paano tayo lumalapit sa Diyos. Ang pagpapasalamat sa kung ano ang mayroon tayo bago humingi ng ibang bagay ay nagpapahintulot sa atin na ihanay ang ating mga puso sa Kanya. Tinutulungan tayo nitong makahanap ng postura ng kababaang-loob at inaalis ang ating kasakiman upang kahit na hindi natin makuha ang ating hinihiling, mapaalalahanan tayo ng Kanyang karakter, Kanyang mga pangako, at Kanyang pagmamahal sa atin.

Ang pagsisimula ng panalangin sa pamamagitan ng pasasalamat sa Diyos ay isang anyo ng pagsuko. Ito ay isang kusang pag-amin na hindi ito tungkol sa atin, kundi lahat ito ay tungkol sa Kanya. Inilipat nito ang ating pagtuon sa Langit at pinalalalim ang ating pagmamahal sa ating Diyos.

Pagsasagawa- Magsimula ng bagong ugali ng pagsasabi sa Diyos ng isang bagay na pinasasalamatan mo, at mangakong gawin ito lingguhan o kahit araw-araw. Isulat ang iyong listahan sa isang tala sa iyong telepono, magsimula ng talaarawan ng pasasalamat, o i-post ito sa social media para sa pagbabalik-tanaw mo, para mas madali mong makilala ang Kanyang katapatan.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: Conversations With God

Marami sa atin ang gustong magkaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos, ngunit hindi natin alam kung saan magsisimula. Kapag ang ibang tao ay nagmumungkahi ng panalangin, ito ay parang masyadong pormal, nakakatakot, o hindi epektibo. Ang gabay na ito ay tutulong sa mga tagabasa na mas makilala ang Diyos at maranasan ang kapangyarihan ng panalangin habang ang bawat araw ay nagbibigay ng mga tunay na halimbawa kung paano magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://www.changedokc.com