Nabagong Pamumuhay: Mga Pakikipag-usap Sa DiyosHalimbawa
Bakit dapat kausapin ang Diyos?
Naisip mo na ba ang panalangin bilang isang bagay sa iyong listahan na dapat markahan upang maging isang mabuting Cristiano? O tingnan ito bilang isang kabigatan na sabihin ang mga tamang bagay sa tamang paraan? Marahil ay nahirapan kang maniwala sa kapangyarihan nito dahil napakaraming beses ka nang nabigo. Kung naramdaman mo na ang alinman sa mga bagay na ito, hindi ka nag-iisa.
Ngunit hindi ganoon nilayon ng Diyos na tingnan natin ang panalangin. Nilikha Niya ito bilang paraan para makilala Niya tayo at makilala natin Siya. Ang layunin ng panalangin ay hindi para magmukhang ayos lang tayo kapag sinabi nating, "Ipagdadasal kita." At hindi ito dapat gamitin bilang isang transaksyon sa negosyo o wish list sa Amazon. Ang layunin ng panalangin ay upang maging mas malapit sa relasyon sa Diyos.
Nais ng Diyos na makita natin Siya bilang kaibigan na laging handa at natutuwang makinig. Hinding-hindi Niya sasabihin sa iyo na masyado kang maraming ibinabahagi. Hindi Siya kailanman maaabala o masyadong mapapagod na ibigay sa iyo ang Kanyang buong atensyon. At kahit na matagal na ang naging mga pag-uusap, Siya ay laging handang ipagpatuloy kung saan ka tumigil nang walang anumang mabigat na damdamin.
Isipin mo noong bata ka pa at tinanong ng mga magulang mo kung kumusta ang araw mo. Hindi lang nila gustong marinig na ayos lang. Gusto nilang malaman kung ano ang ikinatutuwa mo, kung ano ang problema mo, at kung ano ang naisip mo tungkol sa lahat ng ito. Higit pa rito, nais ng Diyos na marinig ang lahat ng ito.
Namatay si Jesus para makausap natin ang Diyos bilang isang kaibigan. Sa Lumang Tipan, ang bayan ng Diyos ay kailangang mag-alay ng mga nagpapadalisay na sakripisyo para makapunta sa Kanyang banal na presensya, ngunit ngayon ay maaari na tayong makipag-usap sa Diyos nang sarilinan nang walang pormalidad. Dapat tayong makipag-usap sa Kanya nang may pagpapakundangan at paggalang, ngunit ayos lang na makipag-usap nang kaswal, tulad ng gagawin mo sa isang matalik na kaibigan. Kaya, sa susunod na mangyari ang isang bagay na nagpapalungkot, nagpapagalit, nagpapabigla, nagpapasabik, o nagpapagiliw, bago ka tumawag sa isang kaibigan, huminto at sabihin muna ito sa Diyos.
Pagsasagawa- Magtakda ng limang minuto at magbahagi ng isang bagay tungkol sa iyong araw sa Diyos. Maaari itong maging isang bagay na mabuti o masama. Maaari itong nasa kalagitnaan ng iyong araw, sa iyong pagmamaneho pauwi, o bago matulog. Maaari mo itong isipin, sabihin, o isulat. Maglaan lang ng oras para ibahagi ang isang bagay na totoo sa Kanya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marami sa atin ang gustong magkaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos, ngunit hindi natin alam kung saan magsisimula. Kapag ang ibang tao ay nagmumungkahi ng panalangin, ito ay parang masyadong pormal, nakakatakot, o hindi epektibo. Ang gabay na ito ay tutulong sa mga tagabasa na mas makilala ang Diyos at maranasan ang kapangyarihan ng panalangin habang ang bawat araw ay nagbibigay ng mga tunay na halimbawa kung paano magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Diyos.
More