Life on Mission (PH) Halimbawa
Manalangin para sa Karunungan
Gusto ng Diyos na nagbibigay ng karunungan, ngunit hindi ito basta-bastang ipinamamahagi at isinasaboy sa kung sino ang makakakuha. Ibinibigay Niya ito sa mga taong humihingi nito. Dalawang halimbawa nito ay sina Solomon at Pablo sa Biblia. Humingi ng karunungan si Solomon para mapamunuan niya ang mga tao ng Diyos. Si Pablo naman ay kinailangan rin ng karunungan para buong tapang na maipahayag ang Ebanghelyo.
Nang ipinadala ni Jesus ang labindalawang alagad Niya sa Mateo 10, binigyan Niya ang mga ito ng kapangyarihan upang mapalayas ang mga masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Sa bersikulo 16 nagbigay Siya ng babala: “Isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya’t maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati.”
Hindi mo madalas makikita na naiuugnay ang karunungan sa ahas, pero listo ang mga ito at matatalino. Hindi sila basta-bastang sumusugod, bagkus, tahimik at malumanay silang lumalayo sa mga mapanganib na sitwasyon. Malinaw ang kanilang paningin, matalas ang pang-amoy, at kayang makarinig ng mga taginting. Nakakaamoy sila ng gulo mula sa isang milyang distansya.
Pagdating naman sa pagbabahagi mo ng pananampalataya, bawat isa sa mga katangiang iyon ay dapat may kasamang kahinahunan at pagpapakumbaba katulad ng mga kalapati. Mas madaling sabihin kaysa gawin, pero kaya kailangan natin na araw-araw na humingi ng karunungan mula kay Jesus. Karunungan upang malaman mo kung kalian dapat magsalita at kailan dapat making. Karunungan upang malaman kung paano dapat sumagot, at karunungan upang malaman kung kailan dapat lumayo mula sa mga walang saysay na usapan.
Sabi nga sa Santiago 1:5, “Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.”
Ibinigay na ng Diyos ang lahat ng kakailanganin mo para maging matagumpay ka sa pagsasabuhay mo ng isang buhay sa misyon saan ka man magpunta. Humingi ka na ba ng karunungan mula sa Diyos, at nagawa mo na ba ang huling pinagawa Niya sa iyo?
I-download ang [ yesHEis ](https://yhm2h.app.goo.gl/kVKq) app at magsimulang isabuhay ang iyong buhay sa misyon ngayon!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa `Espiritu Santo`? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. Nangangahulugan ito ng pag-unawa at pagsasabuhay ng personal na tawag ng Diyos sa iyo.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/