Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 4 NG 5

### Huwag iwasan ang mga makasalanan


Ang mamuhay sa misyon ay ang mabuhay sa paraang may pagsasaalang-alang sa pag-unawa sa ibang tao. Ang mga pagtutol ng mga tao sa pananampalataya ng iba ay posibleng dahil mayroon silang hindi magandang karanasan sa mga relihiyosong tao.


Maaaring nakaramdam sila ng panghuhusga. Sabi ni Jesus: “Huwag kayong humatol, nang kayo’y di hatulan. Sapagkat hahatulan kayo ng Diyos ayon sa paghatol ninyo sa iba, at susukatin kayo ayon sa panukat na ginagamit ninyo sa iba.” (Mat 7:1–2). Nakakalungkot dahil karamihan ng mga mapanghusga na tao ay mga relihiyoso at madalas mahirap maamin sa sarili na nagiging mapanghusga ka. Hindi rin madaling alisin ang paghatol sa iba dahil sa nakatatak sa isipan natin kung ano ang tama at mali.


Sa libro ni Judah Smith na, ‘Jesus is _____’ nakasaad: “Here’s how I assure myself I’m doing good. I make up rules to fit my standard of living, then I judge you by them. If you follow my rules, you’re a good person. If you don’t, you’re a bad person. If you have stricter rules than me, you’re a prude who needs to lighten up.”


Inamin ni Judah na mali ang kaparaanan ng kanyang pag-iisip. Ikaw ba? Naisip mo na rin ba iyon?


Namumuhay ka sa kahibangang paggawa ng sarili mong panuntunan para mapagpalubag ang sariling loob dahil mas “okay” ka kaysa sa iba. Ngunit sabi ng Diyos lahat tayo ay nagkasala, lahat tayo’y hindi nakakaabot sa marka.


Kung naiintindihan mo ‘to, maiisip mong hindi kailangang iwasan ang mga makasalanan. Sa makatuwid, kailangan nating makipag-ugnayan sa kanila. Lahat tayo ay nagkasala at kailangan ng biyaya mula kay Jesus. Ang pagkakaiba lang ay konektado ka na sa pinagmumulan ng biyayang iyon.


Kasama sa pagbahagi mo ng iyong pananampalataya ay ang pag-amin sa iba ng sarili mong kahinaan kung wala ang Diyos, at ang pagpapahayag na ang mabuting balita ay gusto tayong malugod na tanggapin ng Panginoon sa Kanyang pamilya sa kabila ng mga kahinaang iyon.


Kung patuloy mo paring susundin ang sarili mong panuntunan at pamantayan, at kung patuloy mong huhusgahan ang ibang tao para maiangat ang sarili mo, maling Ebanghelyo ang ipinangangaral mo.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa `Espiritu Santo`? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. Nangangahulugan ito ng pag-unawa at pagsasabuhay ng personal na tawag ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/