Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 3 NG 5

### Maging hininga ng sariwang hangin


Dito sa yesHEis, may kakilala kaming lalaki na nagngangalang Dan. Napapangiti niya kami. Mayroon siyang kakaibang saya na bihirang matagpuan sa iba. Palagi siyang nakangiti, niyayakap niya ang buhay, at ikinalulugod niya ang bawat sandali sa araw-araw. Bukas ang mga mata niya at naghahanap siya lagi ng pagkakataon para ibahagi ang kanyang pananampalataya sa iba’t ibang paraan. Siyempre, tulad ng iba, may mga malulungkot na sandali rin si Dan, pero sa kabila ng mga nagpapahina ng kanyang loob, nananatili siyang masiyahin.


May kakaiba kay Dan na mapapadaan ka nalang sa tinatawag na “the uncomfortable zone”. Mayroon siyang malakas na dating na nakakahawa at tunay na wala siyang kaparis—totoo siya at hindi niya sinusubukang maging iba. Kaya niya gawin ang mga nakakahiyang bagay at umalis sa sitwasyon na para bang walang lang, at sa pagiging natural niya, naeengganyo niya ang mga tao kung saan naroon siya, na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong malalimang lumanghap ng sariwang hangin. May kakayanan din siyang mapahalakhak ang mga tao, at iwan silang nagkwekwentuhan tungkol sa kanya ng ilang araw.


Hindi man tayo katulad ni Dan, pero importanteng alalahanin natin na binigyan ka ng Diyos ng mga talento at katangian na natatangi lamang sa iyo. Gamitin mo ang mga ito upang magbigay buhay sa kung saan ka man mapaparoon.


Hindi naman sa sinasabi naming pasayahin mo ang lahat ng tao para magustuhan ka nila dahil kung lahat ng tao ay gusto ka at napapasaya mo, malamang hindi ka namumuhay nang naayon sa pamantayan ng Diyos. Tanungin mo ang sarili mo. Nababatid mo ba ang kapaligiran mo at umuunlad ka ba sa kung saan ka naroon?


Sa pagpapamalas ng kabuuan ng mga bagay na ibinigay sa iyo ng Diyos, magiging dahilan ito upang gayahin nila ang pamumuhay mo, at posible pa na magtanong sila sa iyo kung saan ba nanggagaling ang saya at lakas mo. Itataas mo ang pamantayan ng Diyos at mapapansin ito ng mga taong nasa paligid mo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa `Espiritu Santo`? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. Nangangahulugan ito ng pag-unawa at pagsasabuhay ng personal na tawag ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/