Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 1 NG 5

### Ano nga ba ang buhay sa misyon?


Ang “Missio Dei” ay isang lumang latin na termino na ang ibig sabihin ay “Misyon ng Diyos” o “Pagsugo ng Diyos”— tinutukoy nito ang dakilang misyon ng Diyos para mapanumbalik ang sangkatahuan sa Kanyang sarili (sa pamamagitan ng pagsugo kay Jesus) at ang kanyang pagtawag sa atin na Kanyang Simbahan para maging bahagi ng misyong ito. Nagsimula ang misyong ito ilang libong taon na ang nakakaraan at patuloy pa rin ito hanggang ngayon.


Si Jesus ang susi sa misyong ito. Sa pamamagitan Niya ay nagkaroon tayo ng kakayahang maging bahagi ng dakilang misyon. Hindi lamang gumawa si Jesus ng paraan para maibalik ang relasyon natin sa Panginoon, ngunit Siya rin ay naging halimbawa kung paano isapamuhay ang buhay sa misyon.


Ang ‘Dakilang Pagsugo’ na tinutukoy sa Mateo 28:18-20, ay ang pagtawag at pangaral natin mula kay Jesus. Ang sabi nga, “ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa kaya’t kayo’y humayo at gawin ninyong alagad ang mga tao upang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo.”

Hindi lang ito pagtawag para sa iilan, isa itong personal na kautusan para sa iyo na tagasunod ni Jesus. Totoong mabigat na responsibilidad ito, pero hindi ka tinawag para gawin ito nang nag-iisa. Ito ay pamumuhay bilang tagasunod ni Cristo kahit saan ka man magpunta, at sa pagpapahayag ng pag-asa na mayroon ka.


Kaya importante na kilala mo ang Diyos. Kung kilala mo nang lubos ang isang tao, maiintindihan mo ang kapamaraanan nila, ang kanilang katangian, at magkakaroon ka ng matalik at malapit na kaugnayan sa kanila. Nanaisin mong makasama sila at gumawa ng mga bagay kasama sila.


Minsan mukhang masyadong maringal ang buhay sa misyon na ito at minsan naman mano-mano at sadyang mahirap at nakakapagod. May mga panahon na gagawin mo ang misyon nang may kasama ka at may mga araw din na ikaw lang, pero huwag mong kakalimutan na lagi mong kasama ang Espiritu Santo. Siya ang sentro ng diskarte. Sa katunayan, ang pagsunod natin sa mga pag-udyok at paggabay Niya ang nakakapanigurado na mabisa ang misyon natin.


Hindi lang basta tungkulin ang buhay sa isang misyon. Ito’y isang uri ng pamumuhay at pangako na kasama sa pagtanggap natin kay Jesus. Ang pagtanggap kay Jesus ay pagtanggap rin sa misyong ito.


Sa pagtanggap natin kay Jesus, tayo ay binigyan din ng katauhan at layunin. Tayo ay ‘iniligtas’ at ‘tinawag’ nang naayon sa Kanyang layunin at misyon. Kung nagalinlangan ka man tungkol sa iyong layunin, tumingin ka lang kay Jesus. Naipakita na Niya ito! Ikaw ay tinawag para sumama sa Diyos at sa Kanyang dakilang misyon na panumbalikin ang sangkatauhan sa Kanya. Ang tanong, mabisa ka ba sa misyong ito at sa pagsunod sa Kanya?


I-download ang [ yesHEis ](https://yhm2h.app.goo.gl/kVKq) app upang tulungan ka sa paglalakabay na ito

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa `Espiritu Santo`? Kung pipiliin mong tanggapin ang misyong ito, babaguhin nito ang iyong pamumuhay. Ito’y magiging makasaysayan at makabuluhan. Nangangahulugan ito ng pag-unawa at pagsasabuhay ng personal na tawag ng Diyos sa iyo.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/