Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kuwento ng Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Story of Easter

ARAW 6 NG 7

SABADO

Binasag ng babae ang dala niyang sisidlan at ibinuhos ang lahat ng laman nitong pabango. Walang panghihinayang niyang inubos ang lahat ng may halaga sa kanya. Sa pagkakabasag ng sisidlan, tiyak na wala na siyang mailalaan pa para sa sarili noon o sa hinaharap. Ibinigay niya ang kanyang lahat–nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap–sa Kanya. Sinabi ni Jesus na ang ginawa niyang ito ay magpakailanmang ipahahayag din bilang pag-alaala sa kanyang pambihirang pagmamahal. At sa huling hapunan, ang mga katagang iyon ay nanumbalik. Hinati Niya ang Kanyang katawan at ibinuhos ang Kanyang dugo para sa atin. Ngayon, sa tuwing mababasa mong winiwika ni Jesus ang, "Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin," huwag naman sanang biskuwit at katas ng ubas lamang ang pumasok sa iyong isipan. Kilalanin ang komunyon bilang panawagan. Tinatawag Niya tayo na gawin ang Kanyang ginawa: ang maging basag-basag at ibuhos ang lahat. Itodo mo. Huwag kang magtabi para sa sarili. Isuko nang buo ang kontrol. Ito ang tunay na pag-alaala sa ginawa ni Jesus. Hindi ang pagtangi sa isang ritwal, kundi pagiging isang buhay na paalala. Ano ang ibig sabihin ng pagiging "basag-basag at ibinuhos" sa iyong buhay?

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Story of Easter

Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa gabay na ito. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Life.Church, mangyaring bumisita sa: www.Life.Church