Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kuwento ng Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Story of Easter

ARAW 2 NG 7

MARTES

Sa larawan ng ubasan, dapat tayong makatiyak kung sino tayo. Tayo ang mga sanga. Wala tayong ibang dapat gawin kundi kumapit kay Jesus, ang puno. Kapag nagagawa natin ito, nagagampanan natin ang ating natatanging tungkulin: ang magbunga. Anumang ibang gawain na dapat gawin sa isang ubasan ay gagawin ng hardinero. Ang Diyos. Hindi ako. Hindi ikaw. Ang trabaho natin ay ang pahintulutang gumawa Siya sa pamamagitan natin sa pamamagitan ng pagiging konektado sa puno. Pagnilayan ngayon kung sino ka at saan ka tinatawag. Kumapit. Mamalagi. Umugnay. Humawak. Manatili. Iyon lamang, wala nang iba.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

The Story of Easter

Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa gabay na ito. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Life.Church, mangyaring bumisita sa: www.Life.Church