Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kuwento ng Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Story of Easter

ARAW 5 NG 7

BIYERNES

Sinulat ni Pablo sa Mga Taga-Filipos 3 na nais niyang "lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan." Bagama't tila hindi kapani-paniwalang may taong gugustuhin na mangyari ang ganito sa kanya, ang himalang handog ng kuwentong ito ay kung paano natin lubusang makikilala si Cristo. Kapag ang tinitingnan natin ay ang kapayapaan, kagalakan, katiwasayan, at pagpapalang nagniningning sa gitna ng karahasan, makikita natin ang kagandahan ng pagiging katulad Niya sa Kanyang kamatayan. Napakasimple ng Kanyang naging buhay na lubos ang pagtitiwala sa Diyos. Wala Siyang makalupang alalahanin maliban lamang sa inang Kanyang iniwan sa pangangalaga ng Kanyang matalik na kaibigan. Ang tangi Niyang pag-aari ay panlabas na kasuotan na pinaghati-hatian ng mga kawal. Ang kasimplehang iyon. Ang kalinawan ng hangarin. Ang mataimtim na pagtalima sa layunin ng Diyos. Ang buong pagtitiwala sa Kanyang Ama. Ito ay isang bagay na dapat nating asamin.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

The Story of Easter

Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa gabay na ito. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Life.Church, mangyaring bumisita sa: www.Life.Church