Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kuwento ng Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

The Story of Easter

ARAW 4 NG 7

HUWEBES

Tumayo sa kinalalagyan ng mga unang tagasunod ni Cristo na naroon noong Kanyang kamatayan. Ang iyong puso ay madudurog. Mababahala at mababalisa ang iyong isipan. Hinding-hindi ito ang dapat na mangyari sa Hari ng mga Judio. Siya dapat ang magwawasto ng lahat. Mag-aayos ng anumang sira. Magbabalik ng anumang nawawala. Ngunit ngayon, tila wala na lahat. Ang lahat ay nagiba. Wala nang tama. Maglaan ng panahon ngayong araw at subukang mamuhay sa pagitan ng krus at ng libingang walang laman. Matapos mawala ang pag-asa. Bago dumating ang kagandahang-loob ng Diyos. Gamitin ang nararamdamang ito upang paigtingin ang panalangin para sa isang taong alam mong nasa ganitong kalagayan araw-araw. Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano mo siya malalapitan at maaanyayahan sa inyong pagdiriwang nitong Linggo ng Pagkabuhay.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Story of Easter

Paano mo gugugulin ang huling linggo ng iyong buhay kung alam mong iyon na ang iyong wakas? Ang huling linggo ng buhay ni Jesus sa lupa bilang tao ay punung-puno ng mga sandaling hindi malilimutan, mga naganap na propesiya, matimtimang panalangin, malalimang usapin, mga masimbolong gawain, at mga pangyayaring nakapagpabago sa mundo. Dinisenyo na simulan sa araw ng Lunes bago ang Pasko ng Pagkabuhay, ang gabay na ito ay kasamang gagabay sa iyo sa paglalahad ng mga pangyayari ng Semana Santa.

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa gabay na ito. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Life.Church, mangyaring bumisita sa: www.Life.Church