Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa PaskoHalimbawa

Advent: The Journey to Christmas

ARAW 5 NG 25

Naibalik na Katuwiran 

Sa isang propesiya mula sa Zacarias 9, ipinangako ng Diyos na isang Hari ang darating na dala ang kaligtasan at ang Kanyang katuwiran. Ibig sabihin nito, noong Pasko, dinala ng Diyos ang "Kanyang katuwiran" sa lupa sa katauhan ni Jesu-Cristo. Ito ang totoong kailangan ng mundo noon (at patuloy na kinakailangan). Sa Mga Taga-Roma 3:10, inilarawan ni apostol Pablo ang malungkot na kondisyon ng sangkatauhan: “Walang matuwid, wala kahit isa.” Lahat tayo ay nasa parehong sitwasyon, ipinanganak na may likas na makasalanan at walang kakayanang gawing tuwid ang ating mga sarili. Ngunit sa Mga Taga-Roma 1:17, sabi ni Pablo, "Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay." Ang Cristianismo ay hindi tungkol sa paggawa upang makamit ang katuwiran, ito ay tungkol sa pagtanggap ng katuwiran ni Jesus "sa pamamagitan ng pananampalataya." Hindi ito tungkol sa kung sino tayo, kundi tungkol sa kung sino Siya. 

Pagkatapos ipanganak si Jesus, nagpatuloy Siyang mamuhay sa katuwiran buong buhay Niya. Siya ay perpekto, nanatiling malapit sa Diyos at sumusunod sa plano ng Kanyang Ama nang walang alinlangan. Sa krus, may palitan Siyang ginawa. Sinasabi sa 2 Mga Taga-Corinto 5:21, "Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan Niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos." Nang mamatay si Jesus para sa atin, pinasan Niya ang lahat ng ating kasamaan at pinatay ito, at sa gayong paraan ibinigay Niya sa atin ang Kanyang katuwiran at pagiging matalik sa Diyos. 

Alalahanin, ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay hindi nababatay sa ating mga ginagawa o hindi ginawa. Ito ay batay lamang sa kung ano ang ginawa na ni Jesus. Sabi sa Mga Taga-Roma 5:8, "Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa." Ang Siyang Matuwid ay isinilang noong Pasko upang ipakita sa atin ang pag-ibig ng Diyos sa pinakamakapangyarihang paraang posible, sa pagpapawalang-sala sa atin sa paningin ng Diyos.  

Panalangin: Ama, Ikaw ay puno ng kamangha-manghang kagandahang-loob! Tinatanggap ko ang Iyong katuwiran ngayon sa pamamagitan ng pananampalataya sa Iyong Anak na si Jesus. Naiintindihan ko na kinalulugdan Mo ako dahil lamang sa ginawa ni Jesus para sa akin. Salamat, Jesus, sa paglukob mo sa akin. Palakasin Mo ako sa pamamagitan ng kumpiyansang ako ay ligtas sa Iyong Katuwiran. Tulungan Mo akong maalala na hindi ko ito pinagtrabahuhan nang sa gayon ay mapaglingkuran Kita nang may pagpapakumbaba at pagpapasalamat sa aking buong buhay.

I-download ang larawan para sa araw na ito here

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Advent: The Journey to Christmas

Tunay ngang ang pasko ang pinakadakilang kuwentong naisalaysay: patungkol sa perpektong katapatan, kapangyarihan, pagliligtas at hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos. Halina't maglakbay sa susunod na 25 araw upang tuklasin ang komplikadong plano ng Diyos para iligtas ang mundo mula sa kasalanan at ang mga pangakong natupad sa kapanganakan ng Kanyang Anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Church of the Highlands sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang: https://www.churchofthehighlands.com/