Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - KarununganHalimbawa

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

ARAW 5 NG 5

Matalinong Pagkatakot

May mabubuting pagkatakot. Isa sa mga ito ang takot sa Diyos. Ito ay isang pundasyon. Sinasakop nito ang iba pang mabuting takot. Matalino ang lalaki o babae na ang takot ay nasa Diyos higit sa lahat. Ang takot sa Diyos ay taimtim sa simula ng iyong lakad sa pananampalataya. Ito ay ang panahon ng pulot-gata ng iyong kasal kay Cristo. Wala kang alam na mas mahusay kaysa sa gawin kung ano ang inaasahan. Ngunit kapag ang takot sa Diyos ay napabayaan, ikaw ay napupunta sa pagsuway. (Awit 36:1). Katulad ng ibang paniniwala o disiplina, ang takot sa Diyos ay kailangang pinalalakas ng pananampalataya at pagsunod. Ang takot sa Diyos ay nagpapanatili sa iyo na maging tapat sa Kanya at sa iyong sarili. Ito ang simula ng pananagutan. Ang biyaya ng Diyos—kung wala ang takot sa Diyos—ay isang ilusyon. Walang biyaya nang walang takot, at walang takot kapag walang biyaya. Mangmang and sinumang walang takot sa Diyos. Ang bunga ng hindi pagkatakot sa Diyos ay mga mangmang na desisyon at walang disiplinang pamumuhay.

Bukod pa rito, ang tagumpay ay isang kaaway sa takot sa Panginoon. Habang mas marami ang tagumpay na iyong tinatamasa mas madali kang hindi matakot. Gayunpaman, ang kabaligtaran nito ang kailangang maging totoo. Habang mas maraming tagumpay ang iyong tinatamasa, mas lalo mong kailangan ang takot sa Diyos at ang takot sa kahihinatnan ng kasalanan. Ang tagumpay, sa maraming pagkakataon, ay nagbibigay sa iyo ng damdamin ng pagsasarili. Dito ka kailangang magkaroon ng karunungan upang dagdagan ang antas ng iyong pananagutan. Maging totoo ka sa iyong sarili.  Hindi mo kakayanin ang pagsasarili nang walang pananagutan. Hindi ito kinaya ni David, kahit na siya pa ang lalaking kinalulugdan ng Diyos (Mga Gawa 13:22). Ang pagsasariling walang pananagutan ay nagdudulot ng sunod-sunod na maling desisyon, at kung hindi ito maiitama, ay magbubunga ng imoral na pag-uugali. Walang nakahihigit sa batas, at walang nakahihigit pa sa pananagutan.

Matalino ang isang pinunong bumubuo ng pananagutan sa kanyang pananampalataya, pananalapi, pamilya, trabaho at paglilibang. Ang sinumang nag-iisip na hindi nila ito kailangan ay sila mismo ang higit na nangangailangan nito.  Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagkuha ng isang makakatulong sa iyo na kapareho mo ang kasarian at makakasama mo sa trabaho at sa mga biyahe mong may kinalaman sa iyong trabaho. Ito ang pagkakataon mong turuan ang isang mas nakakabata at progresibong pinuno, at ito rin ang kanyang pagkakataong papanagutin ka. Mas nagiging mahusay tayo kapag may nanonood sa atin. Ang takot sa Diyos ay naglalayo sa iyo sa pagkakasala. (Exodo 20:20). Anyayahan mo ang pananagutan mula sa iyong asawa, sa mga kagawad, sa iyong amo, at sa isang grupong may pananagutan. Maging bukas patungkol sa iyong propesyonal at pansariling pananalapi. Sabihin mo sa iyong asawa kung napapalapit ang iyong damdamin sa ibang tao. Maging napakaingat sa panahong ikaw ay nag-iisa. Ang kawalan ng ginagawa ay maaaring magbunga ng kamalian. Isang matalinong gawi para sa iyo kung ilalaan mo ang pag-iisa kasama ang iyong Tagapagligtas, ang iyong asawa, at mga piling kaibigan. Ang takot sa Diyos ay kaibigan mo. Ang takot sa kawalan ng pananagutan ay matalinong gawain. Ang takot sa Diyos ay nakakapagpalaya. Kung ganoon, magkaroon ng takot sa Diyos, kamuhian ang kasalanan, at magtiwala sa Kanya.

Para sa karagdagang nilalaman ng Seeking Daily the Hear if God, pumunta sa: 

https://www.amazon.com/Seeking-Daily-Heart-Boyd-Bailey-ebook/dp/B0054RFUQS/ref=sr_1_2?ie=UTF8&qid=1538167375&sr=8-2&keywords=Seeking+Daily+the+Heart

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso ng Diyos ay isang 5 araw na babasahing gabay na ang layunin ay humikayat, humamon, at tulungan tayo sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng sinabi ni Boyd Bailey, "Hanapin mo ang Diyos kahit parang hindi mo gusto iyon, o kahit ikaw ay masyadong abala at ikaw ay Kanyang gagantimplaan sa iyong katapatan". Sinasabi ng Biblia, "Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban." Mga Awit 119:2

More

Nais naming pasalamatan si Boyd Bailey kasama ang Wisdom Hunters sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://www.wisdomhunters.com/