Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - KarununganHalimbawa
Karunungan Mula sa Kapakumbabaan
Ang karunungan ay nakabalot sa kapakumbabaan. Ito ay isang masalimuot na bahagi ng kapakumbabaan. Ang kababaang-loob ay may nakapaloob na napakalaking halaga. Sa katunayan, ang karunungan ay isa sa pinagpipitaganang yaman nito. Kung gusto mo ng karunungan, iaayon mo ang pagpapakumbaba sa puso mo. Ang pagpapakumbaba ang naghahatid ng karunungan tulad ng isang tsuper na naghahatid sa kanyang pasahero. Ang karunungan ay naglalakbay nang may pagpapakumbaba. Sa ilang mga paraan, ang karunungan ang umaalalay sa kababaang-loob. Ang mapagpakumbaba ay nauunawaang kailangan niya ang karunungan ng Diyos. Wala na ang pagtatakip ng mga nagsasabing magagaling na mag-isip na iniisip na alam na nila ang lahat. Malinaw sa nagpapakumbaba ang pangangailangan sa kaisipan ng Diyos na pangunahan ang karunungan. Ang pagpapakumbaba ay mautak na aminin ang hindi nito alam.
Napakarami sa buhay na ito ang hindi naaabot ng katwiran ng tao. Mayroon pang higit sa pang-unawa ng tao. Hindi sapat ang kakayahan natin upang magawa ang pinakamahusay na pagpili sa ating limitadong pag-unawa. Kailangan natin ang Diyos para hugasan ang ating pag-iisip at hayaang ang Kanyang katuwiran ang manaig. Ang pagpapakumbaba ang nagbibigay-daan na makatanggap tayo ng karunungan mula sa Diyos at mula sa iba. Ito ay isang proseso ng paglago. Kahit si Jesus ay lumago sa karunungan. (Lucas 2:52).
Ang pagmamataas ang nag-aalis sa iyo sa pwesto kung saan makakatanggap ka ng karunungan. Ito ay tulad ng unang baseman sa baseball line up sa kaliwang bahagi ng palaruan. Siya ay wala na sa posisyon kapag ang bola ay napalo na. Wala na sa first base ang tatanggap ng bola. Kapag walang pagpapakumbaba, wala ka na sa posisyon para makatanggap ng kaalaman . Maaari ka ring maghangad ng karunungan, ngunit kung walang pagpapakumbaba, tunay ngang magkukulang ka sa makalangit na pagtuturo. Bihirang ibigay ng Diyos ang Kanyang karunungan sa isang taong mapagmataas dahil alam Niyang hindi ito mapagkakatiwalaan. Bakit ipagkakatiwala ang mahalagang impormasyon sa taong wawaldasin at gagamitin lamang ito para sa sarili? Alam ng Diyos na ang mapagpakumbabang puso ay magiging mabuting tagapangasiwa ng kaalaman. Sa katunayan, ang pagpapakumbaba ay naglalagay sa puso ng kagutuman para sa karunungan. Nagsisimula ito ng isang pagkagana kahit sa kapirasong karunungan.
Sa sandaling maayos mo na ang iyong espirituwal na paggamit ng karunungan, hindi ka na babalik sa basurang pagkain ng makamundong karunungan (1 Mga Taga-Corinto 1:20-30). Ang kaalaman ng mundo ay nakaayon sa pagmamataas. Ito ay isang pakikipag-agawan ng kapangyarihan kung sino ang pinakamatalino at pinakamabilis na malampasan ang kanilang katunggali. Ang lahat ay kompetisyon para sa mga mapagmataas. May kahangalang nakikipagtagisan siya para sa posisyon sa pamamagitan ng kanyang sariling kapangyarihan. Ang mapagkumbaba, sa kabilang banda, ay matiyagang naghihintay sa Diyos. May lalim sa pagsisikap at determinasyon na kasama ang karunungan bunga ng mapagpakumbabang pagtitiwala sa Diyos. Ang kahihiyan ay kasa-kasama ng pagmamataas. Maaaring makuha mo ang gusto mo sa pamamagitan ng pagmamataas, ngunit ito ay may kaakibat na kahihiyan.
Mas mahusay na maging mapagpakumbaba at sundin ang mga paraan ng karunungan. Ang karunungan ay nagpapahintulot sa iyo na makapagpahinga nang maayos; Ang karunungan ay nagbibigay ng biyaya; Ang karunungan ay nakakakuha ng mga resulta na walang pagsisisi. Kung gayon, mapagpakumbabang anyayahan at papasukin ang mabiyayang karunungan ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso ng Diyos ay isang 5 araw na babasahing gabay na ang layunin ay humikayat, humamon, at tulungan tayo sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng sinabi ni Boyd Bailey, "Hanapin mo ang Diyos kahit parang hindi mo gusto iyon, o kahit ikaw ay masyadong abala at ikaw ay Kanyang gagantimplaan sa iyong katapatan". Sinasabi ng Biblia, "Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban." Mga Awit 119:2
More