Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - KarununganHalimbawa

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

ARAW 2 NG 5

Ang Panawagan para sa Karunungan

"Kailangan dito ang karunungan" (Pahayag 13:18a). Ang karunungan ay madalas na kinakailangan higit pa sa ating pagkakaalam. Ang karunungan ang namamagitan sa emosyon at nagbibigay ng pag-unawa sa katotohanan ng sitwasyon. Ang tanong na "Ano ang makabuluhang bagay na maaaring gawin?" ay epektibo sa paggawa ng desisyon. "Ano ang pinakamahusay para sa lahat?" ay isang mahusay na tanong na maiuugnay sa negosyo o sa ministeryo. Ang Diyos ay madalas na nagsasalita sa pamamamagitan ng pera o kakulangan nito. Kaya, kung limitado ang pera, kailangan nating maging napakatalino sa mga gastusin. Ang karunungan ang nagsasabing pigilan ang mga gastusin at huwag nang magdagdag ng mga karagdagang gastos. Sa puntong ito, hindi na ito dahil sa kakulangan ng pananampalataya. Ito ay dahil sa pagiging matalinong tagapangasiwa sa kung ano ang mayroon ka, upang ikaw ay mas mapagkatiwalaan ng higit pa. Ang matalinong pangangasiwa ay umaakit ng mga mapagbigay. 

Ang matalino ay hindi naiinip o desperado. Ang karunungan ay humihintong panandalian at lubusang sinusuri ang isang sitwasyon bago humakbang na muli. Kaya nga, hinihiling mo ba ang karunungan palagi? Ang kaalaman at karanasan kasama ang pag-iisip at pag-unawa ay isang mahusay na pagsasama-sama para sa karunungan. Ang karunungan ay naghahanap na maunawaan ang pananaw ng Diyos sa mga bagay-bagay. Ito ang dahilan kung bakit ang karunungan na matatagpuan sa Salita ng Diyos ay napakahalaga sa pamumuhay. 

Ang Biblia ay isang mayamang baul ng karunungan na naghihintay na matagpuan ng mga naghahanap ng karunungan. Samakatuwid, huwag ka lang manalangin, magbasa, at magnilay sa Biblia, kundi hanapin din ang marunong (Mateo 12:42). Maghanap ng mga taong may kulay-abo sa kanilang buhok, mga taong nagpapakita ng matalinong asal. Ang matalino ay tutulong sa iyo na patunayan ang mga pananaw ng karunungan na sinimulan mong maunawaan mula sa iyong pag-aaral ng Kasulatan. Magbasa ng mga aklat at makinig sa mensahe ng mga matatalinong lalaki at babae. Sa madalas na pagiging malapit mo sa karunungan, ito ay makakaimpluwensya sa iyo. Gamitin ang bawat pagkakataong tawagin ang karunungan. Maging matalino sa iyong mga relasyon. Maging matalino sa iyong pera at oras. Bago mo matanto ito, ang iyong karunungan ang aakit sa iba na nagnanais din nito. 

Bukod dito, ang koronang hiyas ng akumulasyon ng karunungan ay ang takot sa Panginoon. "Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway."(Kawikaan 1:7). Ang takot sa Diyos ang naglulugar sa iyo para makatanggap ng karunungan. Ang kawalan ng takot sa Diyos ay nangangahulugang kulang ka sa karunungan. Hindi nakakagulat na ang ating mundo ay puno ng mga mangmang. Nawalan na tayo ng takot sa Diyos, at nilayuan na tayo ng karunungan. Ang takot sa Diyos ay taga-pangalaga ng karunungan. Ang Diyos ay nagbibigay ng karunungan sa mga natatakot sa Kanya. 

Mahalin mo ang Diyos, ngunit magkaroon ka ng takot sa Kanya. Sumamba ka sa Diyos, ngunit matakot ka sa Kanya. Alamin ang tungkol sa Diyos, ngunit matakot ka sa Kanya. Maglingkod ka sa Diyos, ngunit matakot ka sa Kanya. 

Ginagawa kang marapat para sa karunungan ng iyong takot sa Diyos. Huwag maging pamilyar sa Diyos na nawawalan ka na ng takot sa Diyos. Ito ay hindi mabuti at humahantong sa kamangmangan. Ang karunungan ay naghihintay sa iyong pag-aani. Anihin at tamasahin mo ito, tulad ng malambot at matamis na prutas sa isang mainit na araw ng tag-init. Tikman at makikita mong ang karunungan ay mabuti. Walang sinumang nagreklamo sa pagkakaroon ng sobrang karunungan. Dalasan mo ang pagtawag sa karunungan. Hanapin ang matalino, at hilingin sa kanila at sa Diyos ang karunungan. Ito ang matalinong bagay na gawin.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Seeking Daily The Heart Of God - Wisdom

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso ng Diyos ay isang 5 araw na babasahing gabay na ang layunin ay humikayat, humamon, at tulungan tayo sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng sinabi ni Boyd Bailey, "Hanapin mo ang Diyos kahit parang hindi mo gusto iyon, o kahit ikaw ay masyadong abala at ikaw ay Kanyang gagantimplaan sa iyong katapatan". Sinasabi ng Biblia, "Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban." Mga Awit 119:2

More

Nais naming pasalamatan si Boyd Bailey kasama ang Wisdom Hunters sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa: https://www.wisdomhunters.com/