Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - KarununganHalimbawa
Mga Naghahanap ng Karunungan
Ang karunungan ay isang mahalagang bagay. Ang mga tao ay gusto ng karunungan. Ito ay nakakaakit at nakakahikayat. Ang karunungan ay kumakatawan sa salitang mula sa Panginoon, kaya ito ay napakahalaga. Ang karunungan ay isa sa mga dahilan kung bakit tayo pumupunta sa simbahan, nakikinig sa magagandang turo sa Biblia, at nakikilahok sa mga matagal nang tagapayo. Ang karunungan ay kailangang hanapin at hilingin. Hindi ito basta na lang nakukuha; ito ay regalo mula sa Diyos. Ang karunungan ay napakahalaga. Ito ay regalo na nag-iingat sa iyo mula sa mga desisyong maaring sumira sa iyo habambuhay at nagbibigay ng lakas ng loob upang magpatuloy o huminto na. Ang karunungan ay sandatang ginagamit ng Diyos sa ngalan ng Kanyang mga mandirigma. Ang karunungan ang nagbibigay ng linaw sa kalituhan at pinapalitan ito ng kalinawan. Ito ang tumutulong sa desisyon para magkaroon ng tagumpay. Ito ang nagbibigay-babala sa mga padating na panganib.
Gayunpaman, ang matalino ay hindi ligtas sa kasalanan. Ang matalinong lalaki o babae ay kailangan pa rin ng pananagutan - marahil ay higit pa nga. Sa katunayan, ang matalino ay madaling kapitan ng pagmamataas (Jeremias 9:23). Ang matalinong puso na may kahalong pagmamataas ay iniisip na maaari itong mangibabaw sa mga patakaran. Ito ay maaaring hindi agad mahalata sa simula, ngunit ang panloob na paniniwala nito ay nagsisimulang mabulok tulad ng isang inaanay na pundasyon. Kung ang pagmamataas ay hindi naingatan, ito ay mapapalitan ng kapalaluan. Malungkot ang katayuan ng isang dating matalinong pinuno na hinayaang mabantuan ang takot niya sa Diyos. Ang kaalaman ay regalo ng Diyos para sa ikabubuti ng Kanyang kaharian. Pero kung nagamit ito sa pansarili, ito ay nagiging pagsisilbi sa sarili lamang.
Kaya hanapin ang tunay na marunong, na ang inuuna ay ang Diyos. Ang maling karunungan ay nagdudulot ng espirituwal na pagkakamali, ngunit ang isang purong intensyon ng karunungan ay nagbibigay ng espirituwal na buhay. Ang karunungan—kasama ang pagpapakumbaba at pagsunod sa Diyos—ang naghahanda sa atin upang matapos nang maayos. Ang tunay na karunungan ay nababagay sa lahat ng sitwasyon. Hanapin ito sa Biblia, sa mga libro, sa mga tao, mga pagkakataon, sa pelikula, sa mga karanasan sa buhay, at sa mga nilikha Niya. Pasalamatan ang Diyos sa matatalinong bunga. Gamitin ito para sa Kanyang kaluwalhatian at Kanyang mga layunin. Hayaan ang karunungang gawin kang mapagpakumbaba kaysa bigyan ka ng damdamin ng pagmamataas. Lahat tayo ay naghahanap ng karunungan ng Diyos. Hahanapin natin ito hanggang makarating tayo sa langit.
Aktibo ang karunungan, buhay, at laging kailangan ng sariwang pagbubuhos mula sa Diyos. Gamitin ang panalangin para maging daan ng kaalaman ng Diyos. Lagi nating itanong ang Kanyang layunin at ang Kanyang puso sa lahat ng bagay. Hayaan ang kaalaman upang mapalapit tayo sa ating makalangit na Ama sa pagsamba at pagtitiwala sa Kanya. Ialay mo lagi ang iyong magagandang intensyon sa Kanya. Hayaan mo ang makalangit na Ama ang gumabay sa iyong desisyon.
Maging mapagbigay ng karunungan sa iba, magbigay ng oras sa mga tao upang malaman nila ang laman ng iyong puso, at unawain ang mga aral ng buhay na inilagay ng Diyos sa iyong pananampalataya. Lahat tayo ay may kaalaman na maaaring maibigay sa iba. Magbigay ng panahon upang makinig sa mga pinagdadaanan ng iba. Ang malalaki nilang problema ay kailangan ng atensyon. Laging maging handa sa matiyagang pakikinig na may pag-unawa, at may pagpapakumbabang mag-alok ng mga solusyong maaari nilang pagpilian. Ang kaalaman ay magalang. Ito ay nagbibigay ng tugon sa lahat kapag naitanong sa presensya ng biyaya, bilang isang kapwang naghahanap ng karunungan.
Maghanap ng karunungan at magbigay ng karunungan— karunungang dala ng mapagpakumbabang pagsunod sa Diyos.
Para sa mga karagdagang gabay mula sa Seeking Daily the Heart of God, bisitahin ang: https://www.wisdomhunters.com/
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso ng Diyos ay isang 5 araw na babasahing gabay na ang layunin ay humikayat, humamon, at tulungan tayo sa araw-araw na pamumuhay. Tulad ng sinabi ni Boyd Bailey, "Hanapin mo ang Diyos kahit parang hindi mo gusto iyon, o kahit ikaw ay masyadong abala at ikaw ay Kanyang gagantimplaan sa iyong katapatan". Sinasabi ng Biblia, "Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran, buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban." Mga Awit 119:2
More