Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

ARAW 5 NG 6

Si Jesus ang Una, Pangalawa ang Biblia

Ang pananampalatayang Cristiano ay nagsimula sa muling pagkabuhay ni Jesus.

Ito'y sinimulan ng isang pangyayari, hindi ng isang dokumento—ng kapanganakan, hindi ng isang katibayan ng kapanganakan. Ang ating pananampalataya ay nagsimula nang ilan sa mga tagasunod ni Jesus ay nakita Siyang nabuhay mula sa kamatayan. Kung paanong ang muling pagkabuhay ni Jesus ang dahilang ibinigay nila kaya sila ay may pag-asa, ganoon din naman, ang muling pagkabuhay ang nararapat na maging dahilan ng ating pag-asa. Sa mas direktang pananalita: hindi tayo naniniwala dahil sinasabi ng Biblia. Naniniwala tayo dahil nabuhay na muli si Jesus!

Kung maibabalik na muli ng simbahan ang estado nito noong unang siglo na hindi mapipigilan, kailangang baguhin natin ang paraan ng pagsasalita natin tungkol sa Biblia. Marami sa mga nakapag-aral na mga tao ang may pinag-aralang pananaw tungkol sa kung ano at kung ano ang hindi sa Biblia. Hindi sila pumapasok sa simbahan ng walang nalalaman; pumapasok silang puno ng kaalaman. Bunga nito, kailangan nating baguhin ang ating pamamaraan. At, katulad ng nakita na natin, may pamamarisan tayo sa nangyari noong unang siglo.

Ang pananampalataya natin ay hindi nakabitin sa bingit ng pagkalipol base sa arkeolohiya o sa kasaysayan ng Lumang Tipan. Ang sinumang nawala ang pananampalataya kay Jesus ay sa dahilang nawala ang pananampalataya nila sa katotohanan ng kasaysayan o ng arkeolohiya ng Lumang Tipan, na hindi dapat nangyari.

Ang pananampalataya ng mga pinakaunang tagasunod ni Jesus ay hindi nakasalalay sa aklat na walang kamalian pagdating sa kasaysayan, sa arkeolohiya o sa agham. Ganoon din ang pananampalataya mo. At ang pananampalataya ng anak mo. Maging ang pananampalataya ng mga kabataan sa iyong simbahan. Kung ang Biblia ay naisulat bilang isang aklat-aralin sa agham o ayon sa makabagong ideya ng katumpakan pagdating sa kasaysayan, malamang na walang makakaunawa rito hanggang sa pagdating ng makabagong panahon. Ang pananampalataya natin ay hindi nakabitin sa bingit ng pagbagsak na nababatay sa kasaysayan, sa kredibilidad nito, o maging sa pagiging kapani-paniwala ng Lumang Tipan.

Kapag binabanggit ng mga nagdududa ang karahasan, ang pagkapoot, ang mga hindi tiyak na pag-angkin at hindi mapatutunayan pagdating sa agham at sa kasaysayan na nasa mga Biblia ng mga Hebreo, sa halip na ipagtanggol ang mga bagay na iyon, maaari tayong magkibit-balikat, bigyan sila ng tinging tila nalilito, at sabihin sa kanila, "Hindi ko alam kung bakit sinasabi mo iyan. Ang pananampalatayang Cristiano ko ay hindi nakasalalay diyan."

At, sa totoo lang, hindi talaga.

O hindi dapat.

Hindi doon nakasalalay ang kay Pedro. Maging ang kay Pablo. 

Pagninilay:May kakilala ka bang nawala ang pananampalataya dahil sa isang bagay na nasa Biblia? Sumasang-ayon ka ba na ang Cristianong pananampalataya ay nakasalalay dapat sa katotohanang si Jesus ay nabuhay mula sa kamatayan? 

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan wala silang opisyal na Biblia at walang katayuan, ngunit nagsimula ng sunud-sunod na mga pangyayaring nagbunga ng pinakamahalaga at pinakamalawak na kultural na pagbabagong nasaksihan ng buong mundo.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://andystanley.com/irresistible/