Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

ARAW 1 NG 6

Ang Paraan ng Pag-ibig

Narito ang isa sa pinakatanyag na listahan ni Pablo ng mga kinakailangan para sa mga Cristiano:

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa . . . 

Ngunit . . . bakit?

Bakit dapat nating alisin ang sama ng loob, poot, at galit? Bakit kailangan nating maging mabait sa hindi mabait at maawain sa hindi karapat-dapat? Bakit kailangang magpatawad? Hindi ba isang regalo para sa mga may kasalanan ang pagpapatawad? Pablo, sino ka para maglagay ng matayog na pamantayan sa pag-uugali para sa amin? Alam naming ang kasaysayan mo. Wala kang kredibilidad!

Dahil inaasahan na niya ang ating katanungan, binuo niya ang kanyang pangunugsap sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanyang pinagkunan:

. . . tulad ng

. . . 

Tulad ng iniuutos ng batas? Tulad ng itinuro ni Moises? Tulad ng itinuturo ng Banal na Kasulatan? Tulad ng sinasabi ng Biblia?

. . . tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa iyo dahil kay Cristo.

Parang pamilyar iyan. Ayon kay Pablo, dapat nating gawin para sa ibang tao ang ginawa ng Diyos para sa atin sa pamamagitan ni Cristo. Ang lahat ng nasa maikling listahan ni Pablo ay isang pagpapairal ng "gawin para sa iba tulad ng ginawa ni Cristo para sa iyo."

Nagpatuloy siya:

Dahil kayo'y mga anak na minamahal ng Diyos, tularan ninyo siya. Mamuhay kayong ayon sa paraan ng pag-ibig . . .

"Paraan ng pag-ibig." Napaka-romantiko. Ngunit may isa pa uling "tulad ng" sa susunod.

. . . Mamuhay kayo nang may pagmamahal tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pagmamahal sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos. 

Ayon kay Pablo, ang pag-uugaling Cristiano ay dapat na katulad sa mapagsakripisyong pag-ibig ni Cristo para sa sangkatauhan. Ito'y isang uri ng pamumuhay na tinatawag ni Pablong paraan ng pag-ibig

Dati, kayo'y nasa kadiliman, ngunit ngayo'y nasa kaliwanagan na. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. 

Kapag may pag-aalinlangan ay tanungin, "Anong gagawin ng isang pinatawad na anak na nasa liwanag?" Napakasimple. Napakaganda. Napakalinaw. Wala nang kailangan pang tagubilin. Mamuhay bilang mga nasa kaliwanagan. Yakapin ang paraan ng pag-ibig

Kaya, ano ang batayan ng Cristianong pag-uugali?

Ang Biblia? 

Hindi.

Ang batayan ng Cristianong pag-uugali ay ang mapagsakripisyong pag-ibig ni Jesus. Hindi tayo nagmamahal dahil sinasabi sa atin ng Bibliang dapat tayong magmahal. Nagmamahal tayo dahil minahal tayo ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Cristo.

Pagninilay:Kung minsan ba ay iniisip mong kailangan mong kumilos sa isang pamamaraan "dahil ito ang sinasabi sa Biblia" kaysa sa dahil gusto mong magmahal tulad ng pagmamahal na ginawa ni Jesus? 

Makaalam ng higit pa tungkol sa IRRESISTIBLE ni Andy Stanley - AndyStanley.com/Irresistible 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan wala silang opisyal na Biblia at walang katayuan, ngunit nagsimula ng sunud-sunod na mga pangyayaring nagbunga ng pinakamahalaga at pinakamalawak na kultural na pagbabagong nasaksihan ng buong mundo.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://andystanley.com/irresistible/