Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

ARAW 2 NG 6

Magpasakop Kayo sa Isa't-isa

Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Cristo. (Mga Taga-Efeso 5:21)

Pag-isipan ang tungkol sa malawak na pahiwatig ng isang pangungusap na ito. Ipalagay mong lumaki ka sa isang pamilyang niyayakap ang nag-iisang patnubay na ito. Ilang mga panuntunan pa ang kailangan natin kung gagawin lang ng lahat ang isang bagay na ito? Makapag-iisip ka ba ng hidwaan sa mag-asawa na hindi malulutas kung ang parehong panig ay magpapasyang magpasakop sa isa't-isa nang may kalayaan bilang tanda ng paggalang kay Cristo? Ito ang paraan ng pagsasabi ni Pablo na: "Unahin mo ang ibang tao, tulad ng ginawa ni Cristo na inuna ka Niya."

Tinatawag ko itong prinsipyo ng pagpapasakop sa isa't-isa. Naniniwala akong ito ang pinakamakapangyarihan, lubos na nakapagpapabago, at nagbibigay ng kasiglahan sa pakikipag-ugnayan sa ating mundo. Sa isang relasyong kakikitaan ng pagpapasakop sa isa't-isa, pinipili ng magkaparehong panig na ipasakop ang kanilang sarili sa kanilang kasama. Ang pagpapasakop sa isa't-isa ay hindi gagana kung hindi ito gagawin ng parehong panig. Magtatagumpay lang ito kung gagawin ito ng parehong partido. Ngunit, katulad ni Jesus, hindi doon tumigil si Pablo.

Magpasakop sa isa't-isa tanda ng paggalang kay Cristo.

Ang mga kasama sa bagong tipan ay nararapat na magpasakop sa isa't-isa dahil sa ginawa ni Cristo para sa kanila. Hindi tinuturuan ni Pablo ang mga mananampalatayang magpasakop sa isa't-isa tanda ng kanilang paggalang sa isa't-isa. Aminin natin—ang marami sa "isa't-isa" natin ay hindi marapat na mapagpasakupan. Ibinabalik tayo ni Pablo sa pagbabagong ipinakita ni Jesus sa silid sa itaas. Ang pariralang "bilang paggalang kay Cristo" ay nagsasabing dapat tayong magpasakop sa isa't-isa bilang paggalang sa katotohanan na nagpasakop si Cristo sa bawat isa sa atin noong Siya ay nasa krus upang bayaran ang ating kasalanan. Ang Kanyang sakripisyo ay nagsisilbing inspirasyon at pamantayan para sa ating pagpapasakop sa isa't-isa. Ito ang tulad ng na bagay muli.

Ang "magpasakop sa isa't-isa" ay hindi lang ang nag-iisang sinasabi ni Pablo na nararapat na gawin natin sa isa't-isa. Iniwanan niya ang simbahan ng iba pang isa't-isa. Ayon kay Pablo, ang pangunahing tungkulin ng mga tagasunod ni Jesus ay ang maging isa't-isa sa bawat isa. Narito ang kanyang tala:

Magpasakop sa isa't-isa.

Magpatawad sa isa't-isa.

Hikayatin ang isa't-isa.

Panumbalikin ang isa't-isa.

Tanggapin ang isa't-isa.

Kalingain ang isa't-isa.

Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa.

Kung tatanungin natin si Pablo kung anong kahulugan ng pananampalatayang nakikita sa mga gawaing udyok ng pag-ibig, maaaring sabihin niya ang nasa talang ito. Ito'y isang maikling talang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo para sa atin. 

Kaya nga, paano kung ito ang mismong gagawin natin?

Paano kung maging mas mabuti tayong isa't-isa sa isa't-isa?

Gawain: Pumili ng isang maaari mong maging isa't-isa gamit ang maikling tala sa debosyonal para sa araw na ito.  

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Irresistible By Andy Stanley - 6-Day Reading Plan

Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan wala silang opisyal na Biblia at walang katayuan, ngunit nagsimula ng sunud-sunod na mga pangyayaring nagbunga ng pinakamahalaga at pinakamalawak na kultural na pagbabagong nasaksihan ng buong mundo.

More

Nais namin pasalamatan ang HarperCollins para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang: https://andystanley.com/irresistible/