Hindi Mapigilan ni Andy Stanley - 6 na Araw na Babasahing GabayHalimbawa
Ano ba ang Hinihingi sa Akin ng Pag-ibig?
Ang mga tao sa bagong tipan ay hindi nagsisimula o nagtatapos sa tanong na: "Anong sinasabi ng Biblia tungkol sa . . .?" Makalumang tipan pa iyan. Ang mga tao sa bagong tipan ay may mas mainam na tanong: "Anong hinihingi sa akin ng pag-ibig ng Diyos?"
Tandaan, sa unang 300+ ng pagkatatag ng simbahan, ang simbahan ay walang "Ang Biblia." Noong simula, ang mga kasama sa bagong tipan ay kinuha ang kanilang hudyat mula sa bagong kautusan ni Jesus na mahalin ang isa't-isa. Ang lahat ay dumaloy mula at sumasalamin sa napakahalagang kaisipang iyan. Kapag itinuturo ang nilalaman nito, madalas kong hinihingi sa mga nakikinig na isaulo ang sumusunod:
KAPAG HINDI KA SIGURADO SA SASABIHIN O GAGAWIN, TANUNGIN KUNG ANONG HINIHINGI SA IYO NG PAG-IBIG.
Hinihingi sa atin ng bagong utos ni Jesus na pagsikapang mabuti ang bago at mas mainam na tanong na ito. Ngunit may iba pa rin itong nagagawa. Binibigyan tayo nito ng bago at mas mainam na sagot sa isang lumang katanungan. Pinipilit tayo ng kautusang ito ni Jesus sa bagong tipan na pagbutihin ang ating sagot sa tanong na bakit.
Bakit dapat sumunod?
Bakit dapat magpasakop?
Bakit susuko?
Sa ilalim ng lumang tipan, ang bakit ay sinasagot habang nakatingin sa langit. Ang Israel ay sumunod upang tuparin ang kanilang bahagi sa kasunduan nila sa Diyos sa lumang tipan. Sumunod sila upang sila ay pagpalain. Sumunod sila upang sila ay ingatan at paunlarin. Sumunod sila upang walang makapasok na mga banyaga. Ang pagsunod ay may dalang pagpapala. Ang hindi pagsunod ay magdudulot ng kaparusahan at maaaring pagpapalayas. Sumunod ang Israel sa mga patakaran at mga pagbabawal para sa sarili nilang kapakanan.
Sa pagtatalaga ng bagong tipan, ang bakit ay hindi na iniuugnay sa pagpapalubag sa Diyos o sa pagiging malinis. Ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi tinuruang sumunod upang may makuhang kapakinabangan mula sa Diyos. Sumusunod tayo dahil sa ibinigay na sa atin.
Sa Bagong Testamento, ang sagot ng bagong tipan sa bakit ay laging: Iyan ang hinihingi sa akin ng pag-ibig dahil iyan ang pinakamabuti para sa kanila.
Ang pagsunod sa bagong tipan ay laging nakaugnay sa sino. Madalas, ito ay ang sino na nasa katabi mo. Ang bakit sa lumang tipan ay nakasentro sa paggawa ng tama sa Diyos. Ang bakit sa bagong tipan ay nakasentro sa paggawa ng tama sa iyong kapwa.
Paano natin malalaman ang pinakamabuti? Paano natin malalaman kung anong hinihingi ng pag-ibig?
Marahang ituturo sa atin ng Banal na Espiritu ng Diyos ang tamang direksyon ng kabaitan, kabutihan, pagiging mahinahon, katapatan at pagpipigil sa sarili. Kapag hindi sigurado, lalo pang gawin ang mga ito. Iyan ang hinihingi ng pag-ibig. Ganyan ang pagsunod kay Jesus.
Pagninilay:Paanong nakakatulong sa iyo ang tanong na "Anong hinihingi sa akin ng pag-ibig?" upang malaman mo ang sasabihin o gagawin sa iyong papel bilang asawa, pastor o kaibigan?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Noong unang panahon ay may bersyon ang ating pananampalataya na . . . hindi mapipigilan. Sa debosyonal na ito ni Andy Stanley, makikita mo ang pananampalatayang ipinamalas ng ating mga kapatid noong unang siglo kung saan wala silang opisyal na Biblia at walang katayuan, ngunit nagsimula ng sunud-sunod na mga pangyayaring nagbunga ng pinakamahalaga at pinakamalawak na kultural na pagbabagong nasaksihan ng buong mundo.
More