Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbawi ng Iyong KagalakanHalimbawa

Recovering Your Joy

ARAW 4 NG 5

Ang Pagsunod ang Lihim sa Kagalakan

Basahin ang Panaghoy 3:40.

Ang kagalakan ay madaling mawala, ngunit ito rin ay madaling ibalik. Pagkatapos mong aminin na nawala ang iyong kagalakan, kailangan mong pag-aralan ang dahilan. Kailangan mong tingnan ang iyong buhay at tanungin ang iyong sarili, “Paano nawala ang kagalakan ko? Ano ang nagnanakaw sa aking kagalakan?"

Maraming beses na sinasabi sa atin ng Biblia sa Banal na Kasulatan na suriin natin ang ating mga buhay. Sinasabi sa Panaghoy 3:40 na, "Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh" (RTPV05).

Mayroong daan-daang mga reklamo sa buhay, ngunit ang dalawang pinakakaraniwang nakikita ko sa buhay ng mga tao ay isang hindi balanseng iskedyul at ang hindi nagamit na talento. Kailangan mong magkaroon ng balanse sa pagitan ng pahinga at trabaho, ng input at output. At kailangan mong gamitin ang iyong natatangi, bigay ng Diyos na mga talento, o ikaw ay mabibigo. Kunin ang kahit anong porsyento ng iyong talento na hindi ginagamit sa iyong trabaho at gamitin ito para sa ministeryo. Kung ikaw ay nasa isang trabaho na gumagamit ng mas mababa sa 25 porsiyento ng iyong talento, umalis ka na.

Kapag naisip mo na kung paano nawala ang iyong kagalakan, kailangan mong itama kung ano ang mali.

Alam mo ba kung ano ang magnanakaw ng iyong kagalakan nang mas mabilis kaysa sa anupaman? Kapag alam mo ang tamang gawin at hindi mo ginawa.

Sinasabi ng Biblia sa Santiago 4:17 na, “Ang nakakaalam na dapat niyang gawin ang mabuti ngunit hindi iyon ginagawa ay nagkakasala.”

Kung kaya tatanungin kita: Ano ang alam mong kailangan mong gawin pero hindi mo ginagawa? Ano ang sinabi ng Diyos sa iyo na gawin mo ngunit hindi mo pa nasisimulang gawin?

Ang lihim sa patuloy, sagana, at nag-uumapaw na kagalakan ay ang pagsunod. Ito ay ang paggawa kung ano ang sinasabi ng Diyos na gawin mo. Sa tuwing ginagawa mo ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, ang iyong buhay ay napupuno ng kagalakan.

Mapupuno ka rin ng kagalakan kapag iniisip mo kung ano ang mabuti sa iyong buhay. Sinabi ni David sa Awit 126:3 na, "Dakila ngang masasabi, pambihira ang ginawa, kaya naman kami ngayon, nagdiriwang, natutuwa" (RTPV05). Habang mas nakatuon ka sa kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo, mas magiging masaya ka sa iyong buhay. Bakit? Dahil nagbubunga ito ng pasasalamat. At ang saloobin ng pasasalamat ay ang pinakamabuting damdamin ng tao.

Kung gusto mong ibalik ang kagalakan mo, aminin mo munang wala na ito, pagkatapos ay suriin mo ang dahilan. Pagkatapos, itama kung ano ang mali, at magkaroon ng saloobin ng pasasalamat. Bukas ay pag-uusapan natin ang huling tatlong hakbang upang mabawi ang iyong kagalakan.
Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Recovering Your Joy

Kung nais mo ng kagalakan sa iyong buhay, marapat mong hanapin ang balanse sa iyong talaan. Ibinabahagi ni Pastor Rick kung paano mo maaaring baguhin ang mga bagay na ipinapasok at inilalabas mo upang ang iyong pagbibigay at pagtanggap ay makatulong sa iyong bawiin ang iyong kaligayahan, at hindi pakawalan ang mga ito.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Mga Kaugnay na Gabay