Pagbawi ng Iyong KagalakanHalimbawa
Masiyahan sa Iyong Buhay
Basahin ang 1 Timoteo 6:17.
Maaaring sobrang problemado ka ngayon dahil sa ekonomiya, pero gusto pa rin ng Diyos na masiyahan ka sa buhay.
Bilang isang Cristiano, masisiyahan ka sa buhay dahil malinis ang iyong konsensya. Nasisiyahan ka sa buhay dahil ligtas ka sa pag-ibig ng Diyos. Maaari kang magsaya at magalak sa simbahan. Masisiyahan ka sa mga kaibigan na hindi nagmamanipula sa iyo dahil natututo silang maging katulad ni Jesus, at nangangahulugan iyon na natututo silang tingnan ang mga interes ng iba.
Sa kasamaang-palad, maraming mga tao ang ayaw papasukin ang Diyos sa kanilang buhay dahil natatakot silang ipasusuko Niya ang anumang bagay na masaya. Iniisip nila na ang maging isang Cristiano ay kapareho ng pagsasabing tapos na ang pagdiriwang, na ang pagiging espirituwal ay ang pagiging miserable.
Ang mga tao ay nagkukumahog sa paghahanap ng mga masasayang bagay, ngunit nangangahulugan iyon na gumagawa sila sa ilalim ng batas ng lumiliit na pagbalik. Gumugugol sila ng mas maraming oras, mas maraming pera, at mas maraming enerhiya upang mabigyang-saya ang hilig. Naglilibot sila at nagtatanong, "Nagsasaya na ba tayo?"
Ang totoo, ang Diyos ay “masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan” (1 Timoteo 6:17 RTPV05).
Nais ng Diyos na masiyahan ka sa buhay!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung nais mo ng kagalakan sa iyong buhay, marapat mong hanapin ang balanse sa iyong talaan. Ibinabahagi ni Pastor Rick kung paano mo maaaring baguhin ang mga bagay na ipinapasok at inilalabas mo upang ang iyong pagbibigay at pagtanggap ay makatulong sa iyong bawiin ang iyong kaligayahan, at hindi pakawalan ang mga ito.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.