Pagbawi ng Iyong KagalakanHalimbawa
Paghahanap sa Iyong Nawalang Kagalakan
Basahin ang Mga Taga-Roma 14:17.
Para sa iyo, ano ang pinakamadaling bagay na maaaring mawala? Yung salamin mo? Ang iyong mga susi? Ang iyong isip?
Ang pinakamadaling mawala sa lahat ay ang iyong kagalakan. Maaari mong mawala ito sa isang tawag sa telepono o sa email, sa isang sulat o pag-uusap. Maaari kang manood ng isang patalastas sa TV at mawala ang iyong kagalakan. Ito ang pinakamadaling bagay sa mundo na mawala. At maraming tao sa maraming pagkakataon ang nagsasabwatan para agawin ito mula sa iyo.
Kapag ang mga anak ng Diyos ay hindi napupuno ng kagalakan, nagmumukhang masama ang Diyos. Ang masusungit na Cristiano ay isang masamang saksi. Para silang bininyagan sa suka dahil hindi talaga sila ngumingiti. At nagmumukhang masama ang Diyos.
Bakit? Dahil gusto ng Diyos na tayo ay maging mga saksi sa pamamagitan ng nakikita sa ating mukha. Sinasabi sa atin ng Biblia na ang buhay Cristiano ay maaaring ibuod sa tatlong salita: kabutihan, kapayapaan, at kagalakan. Sinasabi sa Mga Taga-Roma 14:17 na, "Ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin; ito ay tungkol sa katuwiran, kapayapaan, at kagalakan na kaloob ng Espiritu Santo" (RTPV05).
Gayunpaman, ang totoo ay maaaring mawala ang iyong kagalakan nang napakabilis, at mayroong libu-libong mga paraan upang mawala ito. Mayroong libu-libong reklamador sa buhay na mag-aalis ng iyong kagalakan, hanggang sa punto na ang isang tulad ni Jeremias, isang propeta ng Diyos, ay makapagsasabi nito sa Mga Panaghoy 5:15, “Naparam ang kagalakan sa aming puso” (RTPV05).
Hindi ko alam kung ganyan ka ngayon, pero kung nararanasan mo na ang panahong parang nawala na ang alab at hindi ka na ganoon kalapit sa Diyos gaya ng dati at tila hinahayaan mo na lang lumipas ang mga araw, kailangan mong malaman na madaling mabawing muli ang iyong kagalakan.
Kung kaya, paano mong mababawing muli ang iyong kagalakan?
Ang unang hakbang na kailangan mong gawin ay aminin na nawala mo ito.
Tingnan mo lang ang iyong nakaraan at tanungin ang iyong sarili ng ilang katanungan: Nagkaroon na ba ng panahon sa iyong buhay na mas malapit ka sa Diyos kaysa sa ngayon?
Nagkaroon na ba ng panahon sa iyong buhay na mas masaya ka sa Panginoon kaysa sa ngayon?
Ngayon na ang panahon para gawin ang pagbabago. Ngunit kailangan mong magsimula sa pamamagitan ng pag-amin na nawala mo kung ano ang mayroon ka sa nakaraan. Maaari mong tanungin ang Diyos tungkol dito; naghihintay Siyang tulungan ka. Ipinanalangin ito ni David sa Awit 51:12: "Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako" (ASND).

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung nais mo ng kagalakan sa iyong buhay, marapat mong hanapin ang balanse sa iyong talaan. Ibinabahagi ni Pastor Rick kung paano mo maaaring baguhin ang mga bagay na ipinapasok at inilalabas mo upang ang iyong pagbibigay at pagtanggap ay makatulong sa iyong bawiin ang iyong kaligayahan, at hindi pakawalan ang mga ito.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.