Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay JesusHalimbawa
Sasabihin ko ang nais Mong sabihin ko
Sa nakalipas na pitumpong taon may paalala si Smokey Bear na "ikaw lang ang maaring humadlang sa sunog sa kagubatan." Ang pagkasira mula sa isang siklab ay makakasayang ng magandang gubat at makakasira ng buong pamayanan. Ginagamit ng Banal na Kasulatan ang ganito ring kapahayagan upang ilarawan ang mapaminsalang kapangyarihan ng ating salita: "Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan." (Santiago 3:5)
Maaring makapaminsala at maari ring magdulot nang kabutihan ang ating pananalita, kaya mahalagang magsalita kung ano ang nais ni Jesus na ating sabihin, at huwag lamang tularan ang pinahahalagahan ng kultura. Ang ating mundo ay puno ng salitang naglalarawan ng poot, selos, sumpa at galit. Ibinigay ni Jesus ang prinsipyong "kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig". Hindi natin maiiwasan ang katotohanan; ang ating salita ay magpapahayag nang kung ano ang ating saloobin.
Paano makakaapekto ang pagsunod kay Jesus sa ating salita bawat araw at bakit? Siya ay inilarawang "Ang Salita na naging tao at nanirahan sa piling namin" (Juan 1:14). Siya ang tunay na pahatid ng Diyos sa Kanyang sansinukob. At tayo ay sinabihan na ang "kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo." Habang nananahan Siya sa atin, makakaasa tayong makapagsasalita tayo nang may kagandahang-loob at katotohanan. Ang buhay ni Jesus ay hindi lamang kinakitaan ng mapagmahal at mapagpalang salita, kundi ng mga tapat na pananalitang sumasalamin sa katotohanang patungkol sa Kanya at sa mundong nakapalibot sa Kanya.
Sa Mga Gawa 1:8, sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na kapag ang Espiritu Santo ay lumukob sa kanila, mararanasan nila ang lakas para maging mga saksi Niya. Habang tayo ay sumusuko sa kanyang pamamahala, makikita natin na nanaisin nating sabihin sa mga tao ang tungkol sa Kanya. Hindi ibig sabihin nito na maiinis tayo o magiging mababa ang tingin natin sa ibang tao, tulad ng ikinatatakot ng iba. Sa katunayan, kabaligtaran nito: tayo ay magiging mabait at maawain, na sasabihin sa mga tao kung sino si Jesus at ano ang binago Niya sa buhay natin.
Ngunit ang sabihin lamang ang nais ng Diyos na sabihin natin ay hindi lamang pagsasabi sa iba ng tungkol kay Jesus. Ito ay ang paggamit ng ating mga salita sa pakikipag-usap sa iba sa pamamaraang tulad kay Jesus: may pagpapahayag ng kabutihan at kapatawaran, at pagpapahayag sa iba kung sino sila at kung ano ang mga bagay na ginagawa nilang tama. Sa pamamagitan nito, pinagpapala natin sila at hinihikayat sa kanilang espirituwal na paglalakbay.
May pagbabago ba sa pamamaraan kung paano ka magsalita sa isang tao sa iyong buhay?Umisip ng isang tao at kung paano ka makikipag-usap sa kanya nang may pagbabago sa susunod na ikaw ay makikipag-ugnayan sa kanya.
Masasabi mo ba ang nais ng Diyos na sabihin mo ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagsuko kay Jesus ay may epekto sa kabuuan ng ating buhay. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng desisyong ito at paano natin ito isasabuhay bawat araw? Para lang ba ito sa malalaking desisyon sa buhay, o sa labis na espirituwal na tao? Takot, mga naunang kabiguan, at hindi pagkakaunawaan ay maaaring humadlang sa atin. "Humayo Gawin Sabihin Ibigay" ay isang pangako/panalangin na naglalahad sa kung paano gagawin ang mga susunod na hakbang sa iyong espirituwal na paglalakbay. Danasin ang kalayaan na nagmumula sa pagsunod kay Jesus.
More