Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay JesusHalimbawa

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

ARAW 2 NG 7

Sa Kapangyarihan ng Espiritu Santo

Isipin mo na ikaw ay nasa pinakamahabang paglalakbay ng iyong buhay pero ikaw ay nag-iisa. Walang makausap, walang makatulong, at walang kasamang tamasahin ito. Ito ay magiging isang napakalungkot at napakahirap na paglalakbay. Sa kasamaang palad, maraming mga Cristiano ang namumuhay nang ganito dahil hindi nila nararanasan ang kapangyarihan at kaaliwang ipinangako sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa lahat ng praktikal na aspeto, marami ang naglalakbay na tila hindi nila kasama si Jesus.

At dahil dito, madalas tayong naglalakbay nang sariling-sikap.Ang ating paulit-ulit na pangangako at pagsusumikap na maging tulad ni Jesus ay nauuwi sa panghihina ng loob. Ang isang buhay na isinusuko sa Diyos sa ganitong pamamaraan ay magreresulta sa damdaming ang buhay ay tiyak na mapupunta sa pagkabigo at pagbagsak.

Sa Juan 13-17, pagkatapos makasama nang tatlong taon ang kanyang mga alagad sa halos araw-araw ng kanilang buhay, inihanda sila ni Jesus na mabuhay nang hindi kasama ang Kanyang pisikal na presensya—tulad nang nararanasan nating mga tagasunod ngayon. Paulit-ulit Niyang sinasabi sa kanila ang tungkol sa Espiritu Santo. Ang Espiritu ay mananatili sa kanila at makakasama nila magpakailanman. Tinawag Niya ang Espiritu Santo na Espiritu ng katotohanan, ang tagapagtanggol, ang magsasalita tungkol kay Jesus, ang magbibigay-kamalayan sa kanila ng kasalanan at ang gagabay sa kanila sa katotohanan. 

Sa Juan 15, ipinaliwanag ito ni Jesus sa pamamagitan ng paghahalintulad sa puno ng ubas at mga sanga. Tinawag Niya itong pang-araw-araw na ugnayan sa Kanya na "pananatili". Siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Tayo ay dapat manatili o manahan sa Kanya sa pamamagitan ng pagtatapat ng ating mga kasalanan at pagdurugtong muli sa Kanya, at sa Kanyang buhay at kapangyarihan. Ito ay posible dahil ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin. Ang buhay Niya ay dumadaloy sa atin habang tayo ay nananatiling nakadugtong sa Kanya, tulad nang dagta ng puno ng ubas sa pamamagitan ng mga sanga. Hindi tayo iniiwang mag-isa sa ating paglalakbay.

Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay gagana sa atin para mabago ang ating pagkatao. Tulad na lang ng mga sanga, kapag tayo ay nananatiling konektado kay Jesus, ang puno ng ubas, tayo ay mamumunga ng panlabas na bungang naaayon sa buhay Niya.Kung tayo ay nakatuon sa pananatili sa Kanya, ang pagbunga ng Cristianong pagkatao ay magsisimulang mangyari.Tayo ay madidismaya lang kung tayo ay tutuon sa pamumunga ng panlabas na bunga at kakalimutan ang pananatili. 

Ang pamumunga nang marami, na tinatawag ring kahinugan, ay matagal mangyari.Magtiyaga sa iyong sarili at sa iba sa paglalakbay—darating din ang bunga.

Aangkinin mo ba nang may pananampalataya ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na puspusin ni Jesus ang buhay mo ngayon?

Ilang sandali ngayong ipagtapat ang anumang nalalaman mong kasalanan mo; at hingin kay Jesus na pag-umapawin muli sa iyong panloob na pagkatao ang Espiritu Santo.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Go Do Say Give: The Freedom Of Surrender To Jesus

Ang pagsuko kay Jesus ay may epekto sa kabuuan ng ating buhay. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng desisyong ito at paano natin ito isasabuhay bawat araw? Para lang ba ito sa malalaking desisyon sa buhay, o sa labis na espirituwal na tao? Takot, mga naunang kabiguan, at hindi pagkakaunawaan ay maaaring humadlang sa atin.  "Humayo Gawin Sabihin Ibigay" ay isang pangako/panalangin na naglalahad sa kung paano gagawin ang mga susunod na hakbang sa iyong espirituwal na paglalakbay. Danasin ang kalayaan na nagmumula sa pagsunod kay Jesus. 

More

Nais naming pasalamatan ang Cru sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.cru.org/us/en/pledge.html