Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bigyan ng Kahulugan ang Iyong TrabahoHalimbawa

Give Your Work Meaning

ARAW 4 NG 4

Ginagamit ng Diyos ang Ating Trabaho Para sa Kanyang mga Layunin

Pagkatapos ng maraming taon ng pagsubok, ang mga panaginip ni Jose ay nagkaroon ng kaganapan. Hindi lamang ipinagkatiwala ng Faraon kay Jose ang pamamalakad ng buong Egipto, ang kanyang mga kapatid na lalaki ay dumating na naghahanap ng pagkain noong magkaroon ng taggutom at sila ay yumuko sa kanilang kapatid, bagama't hindi nila agad nalamang siya pala ito. Sinadya ng Diyos na gamitin ang pitong taon ng kasaganaan at pitong taon ng taggutom upang akayin ang Kanyang bayan patungo sa Egipto kung saan sila manganganlong. Ginamit ng Diyos ang mga pangyayari upang ihanda si Jose sa pagpapatupad ng Kanyang balak.

Noong mamatay si Jacob, natakot ang mga kapatid ni Jose na sa wakas ay maghihiganti na siya. Ngunit nanatiling nakatuon si Jose sa mga layunin ng Diyos at sumagot, "Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, […] at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon (Genesis 50:20). Maliit na bahagi lamang ang nakita ni Jose sa kanyang naging parte sa malaking plano ng Diyos na nakikita natin ngayon. Isang araw, makikita ni Jose kung paanong maraming buhay ang nailigtas sa iniambag niya. 

Sinasabi ng Santiago 1:2-3 na, "Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok." Kapag tayo ay nagiging tapat kapag dumadaan tayo sa paghihirap, binubuksan natin ang pinto para makagawa ng mga kamangha-manghang bagay ang Diyos sa pamamagitan natin. Mahalagang magtiwala na kaya at gagamitin ng Diyos ang mga trabaho natin upang hubugin ang ating pagkatao, patatagin tayo, at sa huli ay magkaroon ng bungang hindi natin kayang abutin kundi dahil dito. 

Kapag tayo ay nananatiling nakatuon kay Cristo, magtitiwala tayong ginagamit ng Diyos ang mga trabaho natin nang higit sa kaya nating isipin. Maaari pa nga nating makita kung paanong ginagamit ng Diyos ang ating trabaho sa mas malaking aspeto, tulad ng nangyari kay Jose. Isang araw, makikita nating lahat kung paanong ang katapatan natin ay naging bahagi sa plano ng Diyos. 

Hamunin mo ang iyong sariling pahintulutan ang Diyos na pabutihin ka sa pamamagitan ng mahihirap na sitwasyon, at itaas ang kahulugan ng iyong trabaho para sa Kanyang layunin at sa Kanyang kaluwalhatian.

Panalangin

Diyos Ama, alam kong lagi Kang gumagawa sa buhay ko at sa pamamagitan ng buhay ko. Tulungan mo akong magkaroon ng pang walang hangganang pagtingin sa aking trabaho sa ginagawa ko bawat araw. Dagdagan mo ang aking pananampalataya. Bigyan mo ako ng karunungan sa trabaho ko upang lahat ng aking gagawin ay maaaring gamitin para sa Iyong mga layunin. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Para sa Karagdagang Pagsasaliksik

Tingnan pa ang ibang  debosyonal sa lugar ng trabaho mula sa Workmatters.

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Give Your Work Meaning

Marami sa atin ang gugugulin ang halos 50 porsiyento ng ating buhay na nasa hustong gulang na nagtatrabaho. Nais nating malaman na ang ating trabaho ay may kahulugan – na may halaga ang ating trabaho. Ngunit ang kagipitan, mga pangangailangan at kahirapan ay siyang maaaring maging dahilan upang makita nating mahirap ang ating trabaho – isang bagay na kailangang malusutan. Tutulungan kayo ng babasahing gabay na ito upang makilala ang kapangyarihang maaari mong piliin ang isang positibong kahulugan para sa iyong trabahong nakaugat sa pananampalataya. 

More

Nais naming pasalamatan ang Workmatters sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.workmatters.org/workplace-devotions/