Bigyan ng Kahulugan ang Iyong TrabahoHalimbawa
Ang Kahulugan ng Ating Trabaho ay Nasa Pagpili Natin
Sa Genesis 37:5-7 at 9, may mga panaginip si Jose tungkol sa dakilang pagtawag na inilagay ng Diyos sa buhay niya. Napanaginipan niyang malalagay siya sa isang posisyon ng kapangyarihan na maging ang sarili niyang pamilya ay yuyuko sa kanya. Nagselos sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki at gusto nilang mawala ang nakababatang kapatid nila. Noong sila ay nasa malayong lugar mula sa kanilang tahanan at sila'y pinuntahan ni Jose upang malaman ang kanilang kalagayan, sinunggaban nila ang pagkakataon at ibinenta siya para maging alipin. Maaari mong sabihin, si Jose ay nakaranas ng malaking pag-iiba ng landas ng kanyang buhay.
Sapilitang pinagtrabaho si Jose bilang isang alipin sa isang banyagang bansa kung saan ang mga tao ay walang pagkakakilala sa Diyos, ngunit hindi nila makuha sa kanya ang kalayaang piliin ang kanyang pagtingin sa kanyang trabaho. Hindi hinayaan ni Joseng itakda siya ng kanyang tungkulin. Bagaman at si Potiphar ang kanyang amo, pinili ni Joseng paglingkuran ang Diyos at gawin ang kanyang trabaho nang may kahusayan. Bunga nito, binigyan ng Diyos si Jose ng pagtatagumpay sa lahat ng kanyang ginawa, at pinamahala ni Potiphar si Jose sa lahat ng kanyang pagmamay-ari.
Lahat tayo ay may mga pangarap na trabahong nais nating gawin. Maaaring ang trabahong ginagawa mo ay malayo sa iyong pinapangarap. Ano pa man ito, lahat tayo ay pumipili – may kamalayan man tayo dito o wala – kung anong kahulugan ng trabaho natin. Ang kahulugang ibinibigay natin sa ating trabaho ang tumutukoy sa pagtingin natin dito, na nakakaapekto sa kalidad at kahusayan na dinadala natin sa ating trabaho, at ito ay nakakaapekto kung paano tayong magagamit ng Diyos.
May kalayaan tayong piliin ang isang positibong kahulugan para sa ating trabaho. Kapag ginawa natin ito, malamang na hindi lamang natin magagawa nang maayos ang ating trabaho, kundi makikita rin sa atin ng ibang tao si Cristo. Sa huli, ang ating pagkakakilanlan ay na kay Cristo, hindi sa ating trabaho. Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang Kanyang kahulugan para sa iyong trabaho sa Kanyang kaharian.
Panalangin
Diyos Ama, tulungan mo akong makita ko ang aking trabaho sa pamamagitan ng Iyong mga mata ngayon. Tulungan Mo akong alalahanin na ginagamit mo ang lahat ng trabahong ginagawa ko nang may kahusayan bunga ng aking pagmamahal sa Iyo upang ipakita ang pagmamahal ni Cristo sa ibang tao. Nawa ay makita sa akin si Cristo ng mga taong katrabaho ko ngayon. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Para sa Karagdaang Pagsasaliksik
Tuklasin kung paanong mahahanap ang layunin sa ating pinaka-pangkaraniwang trabaho dito Workmatters blog.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Marami sa atin ang gugugulin ang halos 50 porsiyento ng ating buhay na nasa hustong gulang na nagtatrabaho. Nais nating malaman na ang ating trabaho ay may kahulugan – na may halaga ang ating trabaho. Ngunit ang kagipitan, mga pangangailangan at kahirapan ay siyang maaaring maging dahilan upang makita nating mahirap ang ating trabaho – isang bagay na kailangang malusutan. Tutulungan kayo ng babasahing gabay na ito upang makilala ang kapangyarihang maaari mong piliin ang isang positibong kahulugan para sa iyong trabahong nakaugat sa pananampalataya.
More