Pagkilala sa Tinig ng Diyos // Matutunang Katagpuin SiyaHalimbawa
Paano Maging Walang Takot (sa Gitna ng Iyong Pagdurusa)
Banal na Espiritu na nasa amin, ito ang aming narinig mula sa Iyo:
Alam Ko na masakit marinig ang nasabi. Alam Ko na ang iyong puso ay sumakit nang marinig mo ito. Ginawa Kong malambot ang iyong puso. Kung sumasakit ito kapag nakakarinig ng matatalas na salita, hindi ito masama. Ito ay nagpapakita na ang iyong puso ay hindi tumitigas; ipinapakita nito na pinayagan mo Akong makapasok; ipinapakita nito na pinayagan mo Akong manatili.
Payagan Akong manatili.
Ngunit ano ang gagawin mo sa pagdurusang iyan? Ano ang gagawin kung ang sitwasyon ay ganoon pa rin, paulit-ulit? Ano ang gagawin kapag pakiramdam mo ay walang nagbabago, kapag kumbinsido kang ikaw ay naipit at ang kaginhawahan ay hindi na darating? “Ano na ngayon?” sabi mo. “Paano ako magpapatuloy?” pagsamo mo.
Alam Kong nakadarama ka ng pagkabigo. Gusto mong maayos ang sitwasyon—at mabuting pumunta sa Akin, upang humingi sa Akin ng tulong. Ngunit makinig ngayon, anak. Kapag dumating ang sakit, kailangan mong patuloy na kumapit sa Akin. Tandaan hindi mo kailangang lumundag paabante, sa hindi kilalang teritoryo, nang hindi alam kung saan pupunta.
Bumaling. Bumaling ka, anak Ko. Narito Ako.
Bumaling. Bumaling ka, anak Ko. Narito Ako.
Mahal kita, alam mo. At ang pag-ibig na iyan ang tutulong sa'yong mapanatili ang iyong mga mata sa Akin. Maaaring walang madaling solusyon dito—kaya mo bang isipin iyan? Maaaring walang biglaang pagbabago sa sitwasyong ito . . . at sa katunayan maaaring ito ay ayos lang.
Ayos ka lang ba na ganoon?
Masakit sa Aking ikaw ay nasasaktan. Ngunit inaalagaan Ko ang iyong puso. Payagan mo Akong alagaan ang iyong puso. Bawasan ang pag-aalala tungkol sa solusyon sa taong ito at tumuon muna sa kung nasaan Ako sa susunod na mangyari ang pagtatalo. Magsanay na hanapin Ako sa mga sunod na pakikipag-usap sa kanila. Gawin ito noon mismo, hindi pagkatapos. Magsanay na hanapin ang tinig Ko kapag nag-iisip ka kung ano ang sasabihin. Gawin ito sa sandaling ikaw ay muling komprontahin. Ako ay nasa iyo, ang Banal na Espiritu sa loob mo.
Mahal kita, ikaw na walang takot.
Pagsasanay:
Paano tayo magpapatuloy? Kapag nasasaktan? Kapag ang isang pagtatalo ay tila higit pa sa isang pagtatalo . . .Kapag sinaktan tayo. . . Kapag nasabi natin ang mga hindi sinasadya. . . o mga bagay na sinasadya, ngunit pinagsisisihan . . . Kapag ang mga salita'y sumugat nang malalim . . . Kapag nahihirapan tayong magpatawad . . . magpatawad sa sarili o sa iba.
Paano natin malalaman kung ano ang sunod na dapat gawin . . . ano ang dapat sasabihin?
Paano tayo mananatili sa relasyon—at masumpungan ang kusa at lakas ng loob na magmahal—kapag tayo ay nakadarama ng kabiguan . . . nalulula. . . natatakot sa kung ano ang maaaring paparating?
Ang mga ito ay magagandang katanungan. . . mga mahahalagang tanong. Ngunit ang mas malaking katanungan ay ito: Paano natin maiiwasang tumigas ang ating puso? Dahil tunay ang inklinasyong magkubli na lang, kontrolin ang sitwasyon at protektahan ang sarili, na isara ang ating mga puso sa sakit, na isara ito sa Diyos.
Ngunit, ngayon mismo, ang sandaling pinakakailangan natin Siya.
Bumaling tayo sa Diyos, ngayon din. Magkakasama, magtiwala tayo sa Kanyang kabutihan, sa Kanyang kapangyarihan, sa Kanyang kakayahan, sa Kanyang kahandaang mamagitan. Buksan natin ang ating mga puso at hilingan Siya na protektahan ang mga ito, imbes na subukang gawin ito sa ating sarili. Ibigay sa Kanya ang sitwasyong ito. Lubos na ipagkatiwala ito sa Kanya—lahat ng pagdurusa, kabiguan; lahat ng kaguluhan, lahat ng sakit.
Ibigay ito sa Kanya. At maghintay. Maghintay sa Kanyang tugon. Antabayanan at pakinggan kung ano ang gagawin ni Jesus. Dahil ang Kanyang tugon ang hinihintay natin. Ito ang kailangan natin ngayon.
Jesus, mahal Kita. Nagtitiwala ako sa Iyo. Ikaw ay mas higit pa sa sapat na kakayahang harapin ang sakit na ito. Ikaw ay mabait. Ikaw ay marunong, at Ikaw ay mabuti. Mahal Mo ako. Kilala Mo ako nang higit kaysa pagkakilala ko sa aking sarili. Nais Mo ang pinakamabuti para sa akin. Kaya, nagtitiwala ako sa Iyo. Nagtitiwala ako sa Iyong mga solusyon. Nagtitiwala ako sa Iyong Daan. Nakikinig ako upang marinig ito ngayon. Kaya, tulungan akong makita Ka, tulungan akong makita ang Iyong Daan, at tulungan akong panatilihing bukas ang aking puso . . .
Maranasan ang Rush podcast—at katagpuin ang Banal na Espiritu sa iyong makabagong buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang tinig ng Diyos ay maaaring dumating na parang isang banayad na bulong o lakas ng isang bagyo. Ang susi ay makilala ito, anuman ang mangyari—at magtiwala na Siya ay mabuti, na Siya ay mas malaki kaysa sa alinman sa iyong pakikibaka. Simulan ang apat na araw na gabay na ito at simulang matutunan kung paano Siya kakatagpuin, ang Kanyang tinig, ang Kanyang presensya —at samahan ang maraming mga lalaki at babae na nakakaranas ng Pagmamadali | Ang Banal na Espiritu sa Makabagong Buhay.
More