Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagkilala sa Tinig ng Diyos // Matutunang Katagpuin SiyaHalimbawa

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

ARAW 3 NG 4

Imahinasyon at Pagsisid sa Mas Malalim

Banal na Espiritu na nasa atin, ito ang aming narinig mula sa Iyo:

Maaaring hindi marahan, ang paraan ng pagpunta Ko sa iyo. Maaaring hindi banayad—at tiyak na hindi sa paraang inaasahan mo. Sapagkat napakarami pang ukol sa Akin ang nais Kong ipakita sa iyo, makikita mo. May isang lugar, mas malalim pa, kung saan gusto kitang dalhin. May mga bagay na gusto Kong ihayag sa iyo—at hindi ang mga mata mo ang makakakita sa gusto Kong makita mo. Dahil narito kung paano Ko gagamitin ang iyong imahinasyon, kung papayagan mo Ako.

Una, tandaan na hindi sa liwanag kita unang nilikha. Kaya isipin ang kadiliman. At pagkatapos isipin ang liwanag . . . Nariyan ka na bago pa kita binuo sa pisikal. At ang nais Kong ipakita sa'yo ay naririto, kahit ngayon—at palagi—kahit na ang anyo nito ay hindi bakas sa mundong pisikal. Ang pisikal, makikita mo, ay naging totoo sa iyo sa pamamagitan ng iyong karanasan dito sa iyong isip, sa iyong puso. Nakikita mo at nalalanghap at nadarama at nararanasan, sa iyong isip, kung ano ang ibinigay Ko sa iyo na maranasang kasama Ko. At kung ano ang nakikita mo, ano ang nararanasan mo na kasama Ako, ay maghahayag sa iyo nang higit kung sino Ako.

Oo, mababasa mo ang tungkol sa Akin. Oo, maririnig mo ang tinig Ko sa iyong puso. Oo, makakapanalangin ka at makakasunod at makakatugon sa karunungan na ibinibigay Ko sa iyo, ngunit gusto mo ba ng higit pa? Gusto mo bang makita ang hindi mo pa naiisip? Gusto mo ba na isalin Ko ang Aking sarili sa iyong isip upang maranasan kung ano ang hindi mo pa naiisip? Gusto mo bang tulungan kitang isipin?

Ipikit ang iyong mga mata, minamahal. Hayaan mong patahimikin kita. Heto na . . . mas malalim ngayon. Hayaan mong dalihin kita sa kalaliman. Heto na, narito ang Aking kamay. Nadarama mo ba ito? Tutulungan kitang madama ito.Tingnan mo ngayon, hindi sa pamamagitan ng iyong mga mata. Tingnan gamit ang iyong puso. Tingnan gamit ang iyong isip. Kung ano ang may katuturan ay wala nang katuturan. Ako ang bagong pamantayan. Hayaan mo Akong palawakin, palawaking mabuti, kung ano ang pinaniniwalaan mo tungkol sa Akin, kung sino ang pagkaunawa mo sa Akin.

Naniniwala kang Ako ay mabuti? Hayaang ipakita Ko sa iyo kung paano. Naniniwala ka na Ako ay makapangyarihan? Hayaan mong ipakita Ko sa iyo nang bahagya kung ano ang kaya Kong gawin. Naniniwala ka na kasama mo Ako, na nagbibigay ng kagalingan, na hawak Ko ang mga bituin at ang buwan at ang higit pang mga sansinukob kaysa kaya mong bilangin--na hawak sila ng Aking mga kamay? Gusto Kong dalhin kita sa isang paglalayag, ikaw lang at Ako. Ngunit kailangan mong magtiwala sa Akin—at isantabi ang anumang pag-aalinlangan at pagdududa nang ilang sandali. Panatilihing nakapikit ang iyong mga mata . . O hindi . . . Makagagawa pa rin Ako kahit nakadilat ang iyong mga mata. . . Tara na.

Pagsasanay:

Ikaw, Aking kaibigan, ay inaanyayahan sa isang paglalayag, ngayon mismo.

Binigyan ka ng ilang katanungan:

Gusto mo bang isalin ng Banal na Espiritu ang Kanyang sarili sa iyong isip upang maranasan kung ano ang hindi mo pa naiisip? Gusto mo bang tulungan ka Niya na isipin kung ano ang hindi nakikita ng iyong mga mata?

Para gawin ito, kailangang handa kang buksan ang iyong isip at puso. Dapat ay handa kang maging bukas para makita at marinig at maranasan ang hindi mo pa nararanasan . . . Handa ka bang hayaan ang Banal na Espiritu na buksan ang iyong isip para sa mas higit pa. . . higit pang pag-ibig, higit pang pamamangha, higit pang kagandahan, higit pang kagalakan, higit pang kapayapaan, higit pang higit pa?

Marami pa Siyang nakalaan para sa bawat isa sa atin. . . marami pang maririnig, mararanasan, malalaman, mamahalin. . . At malalasap natin ito, masusulyapan ito . . . ang Kanyang kaluwalhatian, Kanyang kagandahan, Kanyang pag-ibig sa buhay na ito. Ngunit ang ating karanasan ay limitado. Ang ating karunungan ay limitado. Subalit ang ating Diyos, sa Kanyang kapangyarihan at Kanyang pag-ibig at Kanyang pagkamalikhain, ay hindi limitado. At narito Siya, tinatanong tayo kung tayo, ngayon mismo ay handang isuko ang ating imahinasyon sa Kanya . . . kung tayo, ngayon, mismo, ay nais na maranasan kung sino Siya nang higit pa sa ating buhay, simula ngayon, sa sandaling ito!

Banal na Espiritu, maging aming mga mata ngayon din. Maging aming mga tainga. Maging aming pang-amoy, panlasa, pandama. Nais namin ang higit pa mula sa Iyo. Nais naming baguhin Mo ang anumang maling paniniwalang mayroon kami tungkol sa Iyo, na baligtarin ang anumang maling pananaw tungkol sa kung sino Ka at kung ano ang kaya Mong gawin. At nais naming buksang Mong lubos ang aming mga puso at isip at imahinasyon upang makita Ka namin, maramdaman Ka, maranasan Ka gamit ang mga mata ng aming puso na maaaring gumawa nang higit pa, mas higit pa, kung kasama Ka, kaysa makakita lang.

Aming Ama, dalhin Mo kami sa mas kalaliman pa ng panggigilalas at karangalan at kagandahan. Hayaang maranasan namin ang Iyong malawak na pag-ibig. Sa mga sandaling itong naghihintay kami, nang may pag-asa at pananabik, sa Iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

Ang tinig ng Diyos ay maaaring dumating na parang isang banayad na bulong o lakas ng isang bagyo. Ang susi ay makilala ito, anuman ang mangyari—at magtiwala na Siya ay mabuti, na Siya ay mas malaki kaysa sa alinman sa iyong pakikibaka. Simulan ang apat na araw na gabay na ito at simulang matutunan kung paano Siya kakatagpuin, ang Kanyang tinig, ang Kanyang presensya —at samahan ang maraming mga lalaki at babae na nakakaranas ng Pagmamadali | Ang Banal na Espiritu sa Makabagong Buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Gateway Ministries (Loop/Wire) sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://rushpodcast.com