Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagkilala sa Tinig ng Diyos // Matutunang Katagpuin SiyaHalimbawa

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

ARAW 1 NG 4

Ang Mahihirap na Bagay

Banal na Espiritu na nasa amin, ito ang aming narining mula sa iyo:

Maaaring ito ay isa na namang ganoong araw. Oo, alam ko. Nais mo ng tulong na maging maayos ito? Nais mong itaas ang iyong mga kamay, ang iyong puso sa pagsuko, sumuko na lamang at sabihin sa aking hindi mo na kayang magpatuloy, hindi ganito? Oo, alam ko. At sang-ayon ako, hindi mo kaya. Hindi mo kayang magpatuloy nang ganito. Hindi mo kayang magpatuloy nang wala ako. Hindi sa pag-asa—o kalayaan—sa totoo lang. At alam kong iyan ang dahilang ikaw ay narito, kung bakit ikaw ay lumalapit, nakikinig ngayon. Pagod ka na sa paggawa sa sarili mong lakas. Pagod ka nang tangkaing baguhin ang mga bagay. Pagod ka na, sa pangkalahatan, at nagtataka kung ang iyong pagsusumikap ay may maibubungang kabutihan.

O anak, tandaan, Ako ay mabuti. Akoay mabuti.

Maaasahan mo Ako. Ipapakita Ko sa iyo ang ibang paraang tanawin ang iyong sitwasyon. Hindi Ko sinasabing pagandahin ang mga detalye, pagmukhaing maganda at maayos ang mga bagay kahit hindi. May kabuktutan sa mundong ito. Mayroong masama, isang kaaway na humahadlang at gumagambala at humihila sa iyong palayo sa kung ano ang mabuti. At oo, ang buhay ay mahirap. Ito ay mahirap.

Ngunit Ako ay mabuti. Akoay mabuti. Ako ay mabuti.

Mga anak, sa gitna ng kaguluhang ito, mahahanap mo ba Ako? Ang sitwasyon ay maaaring hindi bumuti, ngunit bubuti ang iyong pananaw. Ang kalungkutan ay tila dudurog pa rin sa iyo, ngunit hindi ito mangyayari. Ang sakit ay tila labis sa iyong makakayanan, ngunit hindi. Sagot kita. Totoo. Ngayon mismo. Sagot kita.

Kaya't ano ang gagawin sa mahirap na bagay na ito? Ano ang dapat gawin kapag ang problema ay tila napakalaki at ang kahihinatnan ay hindi kayang kontrolin at hindi mo matanaw ang wakas ng kapahamakan ng araw na ito? Ano ang gagawin mo? Una, hayaan mong hawakan kita. Una, hayaan mong sabihin Ko sa iyo na narito Ako. Una, hayaan mong sabihin Ko sa iyo na mahal Kita at ang pagmamahal Ko sa iyo ay ang kapangyarihang tutulong sa iyong tumayo.

Kaya mong magpatuloy, Aking magiting. Kaya mong magpatuloy sa pagtitiwala sa Akin, batid na ang problemang ito, ang sakit na ito, ang mahirap na bagay na ito, ay hindi mahirap sa Akin. May paraang malampasan ito. Hawakan ang Aking kamay. Hinahawakan kita nang mahigpit. Dadaanan natin ang apoy nang magkasama. At iingatan Ko ang iyong puso, kung gugustuhin mo. At ilalapit kita sa Akin, kung nanaisin mong ang lakas Ko ang magtaguyod sa iyo. Ikaw ang pinangangalagaan Ko at hindi iiwan kailanman. Ikaw ang hinahabol at hinahangad at ninanais Ko. Ikaw ang makagagawa nang higit sa pinangarap nila dahil Ako ang nangarap nito. Tungkulin Kong ang mga pangarap Ko—mga sarili Kong pangarap para sa iyo—ay matupad.

Pagsasanay:

Paano ka makakarating sa lugar kung saan ang iyong puso ay naniniwala na ang Diyos, ang iyong Mabuting Ama ay—naririto, ngayon mismo—ang iyong maaasahan, anuman ang mangyari?

Paano ka makakarating sa isang lugar kung saan ang iyong puso ay naniniwala na si Jesus ay kasama mo sa apoy?

Paano mo sisimulang makita na Siya ay kasama mo, kamay sa iyong balikat, hindi umaalis sa iyong tabi?

Gumugol ng ilang sandali pa na iniisip kung nasaan si Jesus. Subukan na talagang makita Siya. Damhin ang Kanyang presensya na kasama mo sa gitna ng iyong pinagdadaanan. Isipin kung ano ang ginagawa Niya. Isipin ang Kanyang tugon sa mga hadlang, sa mga apoy.

Hayaang bigyan ka Niya ng isang bagong larawan, isang larawan kung paanong naroon Siyang kasama ka--sa bawat sandali.

Hayaang bigyan ka Niya ng isang larawan kung paanong Siya ang iyong proteksyon . . . Kung paanong Siya ay mabuti . . . At kung paanong ito ay hindi labis para pasanin.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

Ang tinig ng Diyos ay maaaring dumating na parang isang banayad na bulong o lakas ng isang bagyo. Ang susi ay makilala ito, anuman ang mangyari—at magtiwala na Siya ay mabuti, na Siya ay mas malaki kaysa sa alinman sa iy...

More

Nais naming pasalamatan ang Gateway Ministries (Loop/Wire) sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://rushpodcast.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya