Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagkilala sa Tinig ng Diyos // Matutunang Katagpuin SiyaHalimbawa

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

ARAW 2 NG 4

Paano Kumikilos ang Hangin (at Nagdadala ng Kapayapaan)

Banal na Espiritu na nasa atin, ito ang aming narinig para sa iyo:

Narinig mo ang Aking tinig sa mahabang panahon. Napansin mo Ako bago mo nalamang Ako ito. Ito ay tinig ng kaaliwan noong ikaw ay natakot, isang tinig ng kasiguraduhan nang ikaw ay nag-aalala. Ito ay panlunas para sa isang sugat, mga salita na hindi mga salita—isang tinig ng presensya, isang tinig na bahagi mo. Paanong hindi ka tutugon sa hangin habang ito ay umiihip sa iyong mukha? Paanong hindi mo mararamdaman ang pag-ibig na humihinga sa iyong balat?

Ako ang tinig para sa katahimikan, ang tinig na umaawit. Ako ang tinig para sa kalmado at ang tinig para sa bagyo. Binubuhat Ko ang pagal, at inaalalayan ang mga nagpapatuloy, lumalakad, nakikita ang Aking mukha. Nakabukas ang kanilang mga kamay habang lumalakad. Maaari silang umakyat, at nananatili silang nakatayo. 

Sapagkat ang buhay na ito ay hindi ang buhay na nagdadala ng kapahamakan sa iyong puso. Hindi, hindi iyan posible. Ang nagdadala ng sakit, luha, pagkawasak, ay kapag ang kadiliman ay naghahasik ng kaguluhan at hindi pa dumarating ang kapayapaan. Ang Aking Anak ay nagdadala ng kapayapaan. Binabalot ng hangin ang lupa. Sapagkat kailangan ng higit pa sa lakas ng loob, higit pa sa pagtitiwala, higit pa sa pagsisikap upang magdala ng kapayapaan. Ang hangin—kung ano ang nararamdaman mo at sinusunod, ay dinadalang kasama nito ang mga sangkap para sa kapayapaan. Mga anak, kilala ninyo Ako. Maaari kayong magdala ng kapayapaan—sa inyong sarili, sa iba, sa mundo—dahil maaari kayong tumugon sa kung ano ang totoo kaysa sa anumang tiyak ninyong nakikita.

Naramdaman mo ang hangin. Naramdaman mo ang Aking espiritu na hinihingahan ka. Nakinig ka rito, batid na ito ang katulong, ang patnubay sa lahat ng bagay. Gusto Kong tulungan ka na mas makilala mo Ako ngayon. Gusto Kong dagdagan ang iyong pagnanais para sa Akin. Ngunit iniiwan Ko ito sa iyo. Hahayaan kitang isaalang-alang kung nais mong palalimin ang pag-ibig mo sa Akin. Sapagkat ang hangin ay nag-iiba, ngunit hindi ka iniiwan nito. Binubuhat ka at dinadala ka ng hangin, kung hahayaan mo ito.

Kaya mayroon kang dapat gawin. May pagpipilian na lumakad pasulong, mas malalim patungo sa isang lugar kung saan mas maipapakita Ko sa iyo kung sino Ako. Magkasama tayong dalawa, nakikita mo? Naririto ka ngayon, kasama Ako, ang iyong kaluluwa ay buhay sa Aking espiritu na nasa iyo. At lumalago ka, nadaragdagan sa pag-ibig at pagtitiwala at pag-asa sa Akin. Bawat pagpili na pakinggan Ako. Bawat pagpili upang abutin Ako. Bawat pagsuko na bukas ang mga kamay at bukas ang puso at lumalakad, oo lumalakad. Umaakyat at lumalakad at isinusuko at nadarama ang hangin sa iyong mukha at ang hangin ay bumubulong sa iyong kaluluwa. 

Kilala mo Ako. Kilala mo Ako. Nais Kong mas makilala mo pa Ako. 

Pagsasanay:

Tayo ay desperado para sa kaunting kapayapaan. Hindi ba?  

Ang kapayapaan ay tila kulang sa mga panahong ito, sa mga kaabalahan sa ating buhay, sa kapayapaan sa ating mundo.

Ngunit narito ang isang bagay tungkol sa kapayapaan . . . hindi natin mahahanap at makukuha ito sa ating mga sarili. Hindi tayo magtatrabaho at makakamit ang kapayapaan sa ating sarili. Hindi ang kapayapaan na kailangan natin. Hindi ang tunay na kapayapaan . . . sa ating mga puso. Hindi ito ganyan, kahit ano pa ang nakasulat sa mga librong nag-aalok ng tulong.

Kaya, maging salungat tayo sa kultura at tahakin ang ibang landas.

Kaysa . . .hanapin natin ang kapayapaan mismo . . hanapin natin nang higit pa ang Diyos. Matuto tayong tanggapin nang higit pa ang Diyos, upang ang Kanyang kapayapaan ay maging kapayapaan natin . . . sa gitna ng ating kaabalahan.

Ituon natin ang damdamin at pagkilala sa Banal na Espiritu na kumikilos sa atin ngayon, ang hininga ng Diyos na nasa atin.

Kaya, mayroon tayong pagpipilian. Mayroon kang pagpipilian.

Lumakad pasulong. O manatili kung nasaan ka. Magtungo sa mas malalim. O manatili kung saan ligtas.

O gagawa ka ng pagpili upang magpunyagi para manatiling may kontrol.

Sa bawat sandali, gagawa ka ng pagpili  . . . naririyan sa Kanya, sa iyong sarili, o hindi.

Manatili sa katahimikan sa loob ng ilang sandali, at ibaling ang iyong puso at iyong isipan sa Diyos. Kung paano Siya nangungusap sa iyo ngayon ay maaaring hindi ang iyong inaasahan . . . Tutal, Siya ay puno ng mga sorpresa, at ito, palagi, ay simula pa lamang. . . 

“Binubuhat ka at dinadala ka ng hangin, kung hahayaan mo ito.”

Jesus, halika . . .

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Recognizing God's Voice // Learn to Encounter Him

Ang tinig ng Diyos ay maaaring dumating na parang isang banayad na bulong o lakas ng isang bagyo. Ang susi ay makilala ito, anuman ang mangyari—at magtiwala na Siya ay mabuti, na Siya ay mas malaki kaysa sa alinman sa iyong pakikibaka. Simulan ang apat na araw na gabay na ito at simulang matutunan kung paano Siya kakatagpuin, ang Kanyang tinig, ang Kanyang presensya —at samahan ang maraming mga lalaki at babae na nakakaranas ng Pagmamadali | Ang Banal na Espiritu sa Makabagong Buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Gateway Ministries (Loop/Wire) sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://rushpodcast.com