Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna LightHalimbawa

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

ARAW 6 NG 7

Paano naman ang mga bagay na hindi mo mababago? 

Hindi natin mababago ang puso ng ibang tao. Hindi natin mababago ang nakaraan. Maaaring hindi natin mababago o makokontrol ang ating mga kalagayan. Pero naniniwala ka ba, sa Kanyang banal na pang-unawa, na inilagay ng Diyos sa buhay na ito, ang mga isyu mo, relasyon, at posisyon, para sa isang tiyak na dahilan? Maaari bang ginagamit Niya ang lahat ng mga bagay na iyon na hindi makontrol, para ituro sa atin ang lubusang pagtitiwala sa Kanyang perpektong plano sa ating mga buhay? Hindi nag-aaksaya ng anuman ang Diyos. Hindi Niya sinasayang ang tumigas na puso, matinding pangyayari, o mga bagay na hindi natin makontrol. Ano kaya ang ipinapakita Niya sa pamamagitan ng mga bagay sa buhay mo na hindi mo gusto, pero hindi mo kayang baguhin? 

Isa pang tanong sa ating mga sarili: tinitiis ba natin ang mga bagay na hindi natin mabago o niyayakap natin ito?  

May malaking pagkakaiba sa pagtitiis at pagyakap at ang pagkakaiba ay ang nasa ating saloobin. Ang ibig sabihin ng pagtitiis ay ginagawa lang natin ang sapat para malampasan ito samantalang ang pagyakap ay nagtataas sa atin mula sa kaligtasan tungo sa pag-unlad, kahit na sa kabila ng paghihirap.

Kapag pinili nating yumakap kaysa magtiis, maaaring walang mangyari sa ating mga kalagayan, pero ang pagbabago ay sa ating puso. Maaari Niyang gamitin ang mga kalagayang hindi natitinag para palambutin ang ating mga puso, na maaring hindi nagbago kung hindi sa pangyayaring ito.

Ang Mga Awit 37:4 ay makakatulong sa ating maunawaan nang higit pa ang ideyang ito. “Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan (Rtpv 05)”. Noong aking kabataan ang akala ko ang ibig sabihin nito ay kung gawin ko ang mga bagay nang tama ay makukuha ko ang lahat ng gusto ko...kailan ko lamang natutunan ang tunay na kahulugan ng salitang "hanapin ang kaligayahan." Ang salitang Hebreo na isinalin sa salitang "hanapin ang kaligayahan" ay may literal na kahulugan na maging maselan. Dala nito ang ideyang nababaluktot at malambot. Kung kaya kapag sinabi ng Diyos na hanapin ang kaligayahan sa Kanya, sinasabi Niya na, “Hayaan mo Ako na hubugin at ihugis ang iyong mga hangarin. Habang nalulugod kayo sa Akin, ang inyong mga hangarin ay nagiging Aking mga hangarin. Ang gusto Ko ay magiging inyong gusto."

Hinihiling ba Niya na tanggapin mo ang kung ano ang ibinigay Niya sa iyo upang sa pamamagitan ng mga bagay na hindi kayang baguhin ito ay magiging bagay na magpapabago sa iyo?

Panginoon, may mga ilang bagay sa buhay ko na hindi ko gusto, pero wala akong kapangyarihang baguhin. Ipakita Mo sa akin kung ano ang maaari kong gawin para baguhin ang aking saloobin at isipan. Gusto ko ng puso, na hinubog at inihugis ng Iyong mapagmahal na mga kamay. Tulungan mo akong pagtiwalaan Ka kahit na hindi ko nauunawaan ang pinagdadaanan ko. Inilalagay ko sa mga kamay Mo ang mahirap at di nababagong sitwasyon ko at hinihiling kong ang Iyong kalooban ang masunod. 

Pag-isipang basahin ang mga sumusunod na kasulatan sa Message version.

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo. 

More

Nais naming pasalamatan si Anna Light (LiveLaughLight) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.livelaughlight.com