Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna LightHalimbawa

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

ARAW 3 NG 7

Madalas na ikinukumpara natin ang ating mga sarili sa iba at sinasabi nating mas mahusay tayo sa kanila, mas malayo ang narating kaysa sa kanila, mas maganda, mas payat, kumikita ng mas malaki, mas maraming tagasubaybay, mas malakas ang impluwensya. Pagkatapos ay nakakaramdam tayo ng superyoridad. 

Ang problema dito ay ang superyoridad ay nag-uugat sa pagmamataas at alam natin mula sa Biblia kung ano ang kasama ng pagmamataas. Isang pagbagsak.

Ang problema sa paghahambing natin sa ating mga sarili para maramdaman natin ang ating kahigitan ay mayroon at mayroong tao na mas malayo ang narating kaysa sa atin, may ibang makikita nating higit na mas maganda kaysa sa atin, higit na malakas, may mas malaking bahay, mas maraming pera, mas maraming tagasubaybay, at mas malakas ang impluwensya kaysa sa atin. Ito ang dahilan kung bakit ang pangalawang resulta ng paghahambing ay makasisira rin sa ating mga puso. 

Kapag inihahambing natin ang ating sarili sa iba at nakita nating tayo ay kulang, nararamdaman natin ang kababaan. Ang pakiramdan ng pagkamababa ay nag-uugat sa kawalan ng kapanatagan. Lampas ito sa punto ng kababaang-loob papunta sa pagiging negatibo ng pag-iisip, ng utak, at saloobin. Ang pagtingin nang mababa sa ating sarili ay maaaring magdulot ng pagkalumbay, pagkabalisa, at takot. Ang ugaling ito ay magdadala din sa atin sa patibong dahil ikinukulong tayo sa selda ng kasinungalingan. 

Tandaan, ang totoong pagpapakumbaba ang hinahangad natin dahil ang totoong kababaang-loob ang nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos at nagbibigay ito sa Kanya ng luwalhati. Isipin mo na para itong isang timbangan. Ang totoong kababaang-loob ay pinananatili tayong matatag, hindi nakahilig sa alinmang direksyon.

Upang magkaroon ng tunay na kababaang-loob, dapat gamitin natin ang Kanya lamang pamantayan bilang panukat—at alam natin kung paano Niya tayo sinusukat. 

Sinasabi sa atin sa Mga Taga-Roma 3:23 “Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.” 

Hindi tayo pumasa! Naroon ang kababaang loob— tunay na kababaang loob—dahil nagkasala tayo, hindi natin kaya ito na mag-isa. 

Isipin mo ang buhay mo tulad ng isang palaso. Ang mamamana ay hinihila ang pana at pinakakawalan ito patungo sa pinupuntirya. Ang pinupuntirya ay ang pamantayan ng Diyos sa ating mga buhay. Lumilipad ang palaso sa hangin pero dagling nalalaglag at di nakakaabot sa puntirya. Ito ang ibig sabihin ng Biblia sa sinasabi nitong hindi tayo pumasa.

Ang mabuting balita ay, ang Diyos dahil sa Kanyang mapagmahal na kabutihan ay ipinagkaloob si Jesus, na Siyang dumampot sa palaso at tinutulungan tayong marating ang hindi maabot. Sa pamamagitan ni Jesus, kaya nating marating ito, pero kailangan natin SIYA! Lahat tayo ay kailangan Siya. Walang sinuman ang mas magaling. Walang sinuman ang mas malala. Pagdating sa ating halaga, pareho ang tingin Niya sa atin. Sa Kanya, natatagpuan natin ang ating totoong pagkakakilanlan, at kung kilala natin kung sino tayo, nakikita natin ang ating landas at layunin, ang buhay na ibinigay Niya sa atin para yakapin. 

Ang tunay at tumatagal na kababaang-loob ay nakakamtan natin kung itinutuon natin ang ating paningin sa puntirya, hindi sa mga palaso.

Panginoon, tulungan mo akong ituon ang aking mga mata sa Iyo at hindi sa kung ano ang ginagawa o sinasabi ng ibang tao. Ang aking halaga, pagkatao at direksyon ay galing sa Iyo at hindi sa kanino man. Ninanais ko ang tunay na kababaang-loob at isang puso na nagpapalugod at nagbibigay-dangal sa Iyo. Ituro Mo sa akin ang mga bahagi ng aking buhay kung saan masyado akong humihilig sa pagmamalaki o sa kawalan ng kapanatagan at ibalik sa pagkaka-ayon sa iyo. 

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo. 

More

Nais naming pasalamatan si Anna Light (LiveLaughLight) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.livelaughlight.com