Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lumaya Mula Sa Paghahambing Isang 7 Araw na Gabay Ni Anna LightHalimbawa

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

ARAW 1 NG 7

May dahilan kung bakit pinili mo ang gabay sa pagbabasa na ito. 

Siguro napapailaliman ka ng bigat ng walang katapusang paghahambing, na parating hindi mo naaabot ang imposibleng pamantayan na nasa utak mo. Maaaring nawalan ka ng kaibigan dahil sa walang katapusan mong pangangailangan na maging pinakamahusay, o nawalan ng init ang iyong relasyon dahil ninakaw ng paghahambing ang kakayahan mong maging tunay at nakakapagpasiglang kaibigan.

O maaring sadyang pagod ka lang. 

Pagod sa patuloy na bayo ng buhay na pinupuno ang isip mo ng pagkabalisa, pagdududa, pagkalumbay, at galit dahil sa paghahambing.

“Hindi ako makahabol!” naisip mo. Nananabik ka sa lugar ng kapayapaan kung saan maaari kang mahalin maging sino ka man, hindi sa kung ano ang mayroon ka, kung ano ang iyong nakamit, ang iyong kasikatan, impluwensya, at iba pa. Na mamahalin ka nang hindi kailangan ng pagpapanggap. 

Alam ko, dahil ako iyon noon. Sa umpisa ng taong ito, nagdesisyon akong maglaan ng tatlong araw, mag-ayuno ng tubig lamang at magdasal tungkol sa ilang mga bagay na gusto kong malampasan sa aking personal na buhay. Nagsulat ako ng ilang panalangin sa post-it notes at idinikit iyon sa aking aparador. Talagang naging mahusay ako sa paggising sa umaga at gumugol ng ilang panahon sa presensya ng Diyos upang ipanalangin iyong mga sinulat ko sa post-it notes... sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos na pagkatapos ng aking pag-aayuno, tila natapos na rin ang ekstrang oras para sa panalangin ko. Ang hindi natapos ay ang kapangyarihan ng Diyos na siyang gumagawa sa buhay ko sa mga panalanging iyon na inihain ko sa Kanyang paanan. 

Isa sa mga partikular na panalangin ko ay ito: “Tulungan mo akong lumaya sa paghahambing!” Naramdaman kong hinila ako pababa, natalo ng di makitang bigat, nabulag sa paghuhusga ko sa iba. Tumigil ako sa pagsubaybay sa mga tao sa social media na nagbibigay sa akin ng pakiramdam na mas mababa ako sa kanila. Nagsalita ako ng negatibo tungkol sa mga taong nakaramdam ako ng pagkainggit at hindi kailanman nakipagdiwang doon sa mga nakatupad ng mga magagandang bagay sa kanilang buhay. Ang tanging kapayapaan na mayroon ako ay ang pag-iisa. Kung walang sinuman ang nariyan para ikumpara ko ang sarili ko, ligtas ako. Pero dumating ang kalungkutan at ginawang maliit ang mundo ko, at mas maliit ang isipan ko. Gusto kong matagpuan ang daan PALABAS!

Ang mga susunod na gabay sa pagbabasa ay siyang sagot na naramdaman kong galing mismo mula sa Trono ng Pagpapala. Sa susunod na 7 araw ay tutunghayan natin ang mga tanong tulad ng: 

Ano ang paghahambing? 

Ano ang nangyayari kapag tayo ay naghahambing? 

Paano natin malalabanan ang paghahambing?

Sa pamamagitan ng mga isiping ito, galing mula sa Diyos sa aking panalangin ng paghahanap sa kalayaan, naniniwala ako na matatagpuan mo rin ang kalayaan mula sa patibong ng paghahambing at mararanasan mo ang puno at masaganang buhay na siyang plano Niya para sa iyo.

Panginoon, pagod na pagod po ako. Pagod na po ako sa pakiramdam na hindi ako sapat, hindi sapat ang aking ginagawa, hindi sapat ang aking natutupad. Ang mundo sa paligid ko ay nagbibigay ng napakaraming oportunidad para ikumpara ko ang sarili ko sa iba at alam kong hindi ito tama. Tulungan mo akong ilahad ito sa Iyong paanan nang may buong tiwala na maaari akong lumaya mula dito. Gusto kong maging taong siya mong nilalang ng walang pumipigil na gawin ko ang lahat ng kakayahan ko, sa pangalan ni Jesus. 

 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Break Free From Comparison a 7 Day Devotional by Anna Light

Alam mo na binibigyan ka ng Diyos ng buhay na mas masagana kaysa sa buhay mo ngayon, pero ang nakakalungkot na katotohan ay ang paghahambing ay pumipigil sa'yo para magpatuloy sa susunod na antas. Sa gabay sa pagbabasa na ito isisiwalat ni Anna Light ang mga pananaw na babasag sa takip na inilalagay ng paghahambing sa iyong kakayahan, at tinutulungan kang isabuhay ang buhay na malaya at masagana na siyang dinisenyo ng Diyos para sa iyo. 

More

Nais naming pasalamatan si Anna Light (LiveLaughLight) sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa: http://www.livelaughlight.com