Katibayan para sa Muling Pagkabuhay ni CristoHalimbawa
Saligan sa Biblia Para sa Muling Pagkabuhay
Ayon sa Biblia, ang buong katotohanan tungkol sa Cristianismo at kay Cristo, ay nakasalig lamang sa muling pagkabuhay ni Cristo sa katawan. Anupat habang sumusulat si Apostol Pablo sa Iglesia sa Corinto ay nangatuwiran, “At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya” (1 MgaTaga-Cor. 15:14). Sa madaling salita, ang ipinahihiwatig ni Pablo ay kung Siya ay hindi muling nabuhay, ang Cristianismo ay mali sa kabuuan! Subalit kung Siya ay nabuhay muli, ang pangyayari ay napakahalaga sa lahat ng kasaysayan. Si Dr. Gary R. Habermas, isa sa mga nangungunang eksperto sa buong mundo sa katunayan para sa muling pagkabuhay ni Jesus, ay naghain ng tatlong hanay ng pangangatuwiran ayon sa Banal na Kasulatan at ito ay ang mga sumusunod:
- Katibayan sa Kasulatan ayon sa 1 Mga Taga-Corinto 1:15: Dalawang mahahalagang katangian tungkol sa 1 Mga Taga-Corinto 15 ay kinakailangang banggitin pagdating sa mga katunayan na ibinibigay hinggil sa 'pagpapakita ni Jesus pagkatapos ng muling pagkabuhay' (1 Mga Taga-Cor. 15:4-8). Una, totoo naman na ito ay isa sa mga "naunang ulat" tungkol sa muling pagkabuhay, mas maaga pa kaysa sa mga ebanghelyo. Pangalawa, ito ay ulat na ibinigay ng mga "Saksi". Sa katunayan, itinala ni Pablo ang mga ulat na ito noong AD 54-57 i.e., 25 taon lamang pagkatapos ng pagpapako sa krus ni Cristo. Itong maikling panahon sa pagitan ng kaganapan ng pangyayari at ang pagsulat nito ay nagpapakita na maasahan ang "ulat ng mga saksi" dahil inalis nito ang posibilidad ng anumang mga alamat na magpapasama sa ulat. Karagdagan pa, ngayon ay nagtitiwala tayo kahit sa tala ng mga saksi sa mga pangyayari sa mas mahabang yugto ng panahon.
- Ang mapagkakatiwalaang patotoo ni Apostol Pablo: Dalawang mahahalagang katunayan tungkol sa Apostol ay naglalahad ng pagiging totoo o pagiging maaasahan nito. Una, ang pagbabalik-loob ni Pablo ay pinaniniwalaan na nangyari sa loob ng isa o dalawang taon lamang pagkatapos ng pagkapako sa krus ni Cristo. Karagdagan pa, ang maikling panahon sa pagitan ng aktuwal na kaganapan ng pangyayari (i.e., ang muling pagkabuhay ni Cristo) at ang pagsusulat niya ng ulat ay mahalaga kung isasaalang-alang ang 'sinaunang kasaysayan'. Pangalawa, dapat na tandaan na si Pablo ay hindi lamang nagsasalita ng tungkol sa iba't-ibang tao na naging mga saksi kundi siya rin mismo ay saksi sa pagkabuhay ni Cristo (1 Mga Taga-Cor. 15:8). Ang ebidensiyang ito ay nagiging mas mahalaga kung isasaalang-alang ang katotohanan na si Pablo na noon ay kilala bilang Saul ay 'mapag-alinlangan' na hindi lamang nag-aalinlangan sa katotohanan ng Cristianismo kundi pinag-uusig pa nang buong-tindi ang mga tagasunod.
- Ang mapagkakatiwalaang ulat ng mga saksi ng mga alagad: Ang katunayan na ang mga alagad ay tunay na nabago kaya't sila'y handang magpatotoo bagamat nanganib ang kanilang mga buhay. May isang nagsulat, “Ang mga tao ay maaaring handang mamatay sa kanilang pinaniniwalaang totoo, subalit sila ay hindi magpapakamatay sa alam nilang mali”.
Ang tatlong mga dahilan, kung pagsasama-samahin ay makakabuo ng isang malakas na saligan sa Biblia na makatutulong upang umabot tayo sa konklusyon na si Jesu-Cristo ay nabuhay mula sa mga patay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ito ay naglalayon na magbigay ng matibay na ebidensiya at argumento na panig sa muling pagkabuhay ni Cristo. Ang mga argumentong ito ay para sa pagsagot sa mga katanungang ipinahayag ng mga nag-aalinlangan, mga kritiko, at maging ng mga naghahanap ng katotohanan. Subalit, naniniwala ako na sila ay magiging malaking tulong din sa mga mananampalataya.
More