Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Katibayan para sa Muling Pagkabuhay ni CristoHalimbawa

Case For The Resurrection Of Christ

ARAW 1 NG 4

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo - Aklat ng Pagsunod sa Alituntunin 

Natatandaan ko ang isang kuwento, na inilahad ng isang batikang ebanghelista, ang yumaong si Prakash Yesudian, tungkol sa pakikipag-usap niya sa isang kaibigan na pagkatapos na marinig ang pagsasalita niya tungkol sa 'Pagiging Walang Katulad ni Cristo', ay nagtanong, “>“Paano kung sasabihin ko sa iyo, 'Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay', magsisimula ka bang maniwala sa akin?” Bilang kasagutan sa kaniyang tanong, sumagot si Yesudian na nagsabi, “Oo, basta ikaw ay mapako sa krus hanggang mamatay at pagkatapos ng tatlong araw, ikaw ay mabubuhay muli!” Naniniwala ako na ang sinasabi ni Yesudian ay ang pag-angkin sa katotohanan ay hindi nangangahulugan na ito ay totoo, ito ay kinakailangang suportahan ng matibay na ebidensiya. Gayundin naman, ang pag-angkin ni Jesus bilang ang tanging daan patungo sa Diyos at ang Kaniyang muling pagkabuhay mula sa kamatayan ay isang "katunayan" sa pag-angking ito. (Mga Gawa 17:31)

Sa ngayon, marami na tumutuligsa sa mga pag-aangkin ni Jesucristo, ay naglalabas ng pagtutol na sa dahilang ang pagkabuhay na muli ay hindi mapatutunayan ng 'siyentipikong pamamaraan' (sa konteksto ng pagsusuri sa laboratoryo), kaya ito ay maaaring mali. Subalit, sa gayunding dahilan, tila nakalimutan nila na may ibang mga sangay ng siyensiya, katulad ng ‘forensic science’ na siyang ginagamit sa pagsisiyasat ng katotohanan tungkol sa mga pangyayari na naganap noon (halimbawa, pagpaslang o pagnanakaw) o mga pangyayari na may kahalagahang pangkasaysayan. Sa mga kasong ito, ang mga ebidensiya (kadalasang tinatawag na 'katunayan') na nakuha ay may mahalagang papel na ginagampanan upang matulungan ang mga imbestigador na makuha ang katotohanan sa kung ano ang tunay na nangyari noon. Sa pananaw na legal, kapag mas maraming ebidensiya ay may mas malaking  tsansa na malutas ang kaso.

Kapansin-pansin, habang inilalahad ni Jesus ang Kaniyang misyon na ihayag ang Diyos sa tao, ay naghain ng paanyaya sa bawat isa na kung sila ay nagdududa sa Kaniyang "mga salita”, ay isaalang-alang naman nila ang Kaniyang “mga gawa”. Sa madaling salita, sinasabi Niya na "‘Magtiwala sa akin’ sa pamamagitan ng pagsisiyasat ng ‘ebidensiya’.” (Juan 14: 11b) Ang Biblia ay puno ng mga ebidensiyang iyan na kung titingnan natin sa pananaw ng forensic science, matutuklasan natin na ang katotohanan sa muling pagkabuhay ni Cristo ay nakatayo sa napakatatag na pundasyon. Samakatuwid, si Jesus, habang inaangkin ang pagiging Mesiyas, ay nagtuturo sa katotohanan ng muling pagkabuhay bilang katunayan na nangangailangan ng ating hatol; at dito sa pundasyong ito ang Cristianong pananampalataya sa kahulihan ay tumatayo o nabubuwal (I Mga Taga-Cor. 15:14).

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Case For The Resurrection Of Christ

Ito ay naglalayon na magbigay ng matibay na ebidensiya at argumento na panig sa muling pagkabuhay ni Cristo. Ang mga argumentong ito ay para sa pagsagot sa mga katanungang ipinahayag ng mga nag-aalinlangan, mga kritiko, at maging ng mga naghahanap ng katotohanan. Subalit, naniniwala ako na sila ay magiging malaking tulong din sa mga mananampalataya.   

More

Nais naming pasalamatan si Balajied Nongrum, Tagapagsalita at Tagapagsanay at ang RZIM India sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://rzimindia.in/