Katibayan para sa Muling Pagkabuhay ni CristoHalimbawa
Karagdagang Katibayan para sa Muling Pagkabuhay
Habang sinusuri nang mabuti ang mga katibayan sa panig ng muling pagkabuhay ni Cristo, ang isang katanungan na palaging naitatanong ay, “Mayroon bang mga katibayan o katunayan maliban sa Biblia na maaaring ibigay upang sagutin ang katanungan na kung si Cristo ay muling nabuhay mula sa kamatayan o hindi?” o itinuturing ba natin itong isa lamang bagay ayon sa 'bulag na pananampalataya’? Upang sagutin ang katanungang ito, iniharap ni Paul E. Little ang tatlong mahahalagang piraso ng katibayan mula sa kasaysayan na kailangang isaalang-alang.
Ang una ay ang pagkakaroon ng Simbahang Cristiano. Ang pinagmulan nito ay matutunton mula sa Palestino kung saan ito ay unang nagsimula noong unang siglo (AD 32). Ang mahalagang katanungan na dapat isaalang-alang sa puntong ito ay, ‘ano ang dahilan ng pagkatatag nito?’ Mahalagang tandaan na ang mga alagad noong unang siglo na unang tinawag na mga Cristiano sa Antioquia (Mga Gawa 11:26b) ay binago ang mundo nang mga panahong iyon sa pamamagitan ng kanilang pangangaral (Mga Gawa 11:20-21). Ang muling pagkabuhay ay naging batayan hindi lamang ng kanilang pangangaral kundi pati na rin ng kanilang buhay. Sa madaling salita, ang Simbahan, nang mga panahong iyon, na ang sakop ay pangdaigdigan, ay nakasalalay lamang sa isang pundasyon, samakatuwid nga, ang muling pagkabuhay ni Cristo at wala nang iba.
Pangalawa, nariyan ang katotohanan ng araw ng Cristiano. Ang Linggo ay ipinagdiriwang bilang araw ng pagsamba para sa mga Cristiano simula noong AD 32. Kung babalikan ang unang siglo, ang pagbabago sa kalendaryo ay napakalaking bagay. Isang pandaigdigang pangyayari ang maaaring naganap upang makaapekto ito sa pagbabago ng araw ng pagsamba mula sa Sabbath ng mga Judio, ang ikapitong araw ng linggo, sa Linggo na unang araw ayon sa kalendaryo ng mga Judio! Ito ay nangyari upang ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Jesus mula sa kamatayan. Huwag nating kalimutan na ang mga unang Cristiano ay mga orihinal na Judio. Samakatuwid, maliban sa muling pagkabuhay ni Cristo walang ibang magbibigay-saysay sa pagbabagong ito.
Panghuli, ang pagkakaroon ng Bagong Tipan, ang aklat ng Cristiano. Sa kabuuan nito, ito ay naglalaman ng pansariling patotoo o mga saksi, na nagtatala ng katotohanan tungkol sa muling pagkabuhay. Humarap sila sa pagsubok ng pagpapahirap at pagkamartir para sa kanilang mga patotoo at paniniwala. Maliban sa muling pagkabuhay ni Cristo, Wala akong alam na ibang mas mainam na dahilan sa pagsusumigasig ng mga alagad na ito. Si Batsell Barrett Baxter sa kaniyang aklat na, ‘I Believe Because…’ ay ibinuod ang puntong ito, “Ang lahat ay mawawala sa kanila sa pagiging Cristiano, walang makasanlibutang kabuluhan ang makakamit. Subalit, sa huli ay binayaran nila ng kanilang buhay upang maging totoo sa kanilang paniniwala na si Jesus ang Cristo, ang banal na Anak ng Diyos – namatay, inilibing at muling nabuhay.”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ito ay naglalayon na magbigay ng matibay na ebidensiya at argumento na panig sa muling pagkabuhay ni Cristo. Ang mga argumentong ito ay para sa pagsagot sa mga katanungang ipinahayag ng mga nag-aalinlangan, mga kritiko, at maging ng mga naghahanap ng katotohanan. Subalit, naniniwala ako na sila ay magiging malaking tulong din sa mga mananampalataya.
More