Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Katibayan para sa Muling Pagkabuhay ni CristoHalimbawa

Case For The Resurrection Of Christ

ARAW 3 NG 4

Sagot sa mga Kritiko ng Muling Pagkabuhay 

Isa sa mga paratang na ipinahayag ng mga kritiko laban sa muling pagkabuhay ni Cristo ay si ‘Cristo ay hindi talagang namatay sa krus!’ Ang paratang na ito ay nakilala bilang ‘Swoon theory’. Pinaninindigan ng teoriya na si Jesus ay nanlupaypay o hinimatay dahil sa pagod, sakit at sobrang pagkawala ng dugo. Bukod pa diyan, nang Siya ay inilagay sa libingan, Siya ay nagkaroon ng malay dahil sa malamig at mamasa-masang libingan. Nang maglaon, nang Siya ay magkamalay, Siya ay lumabas at nagpakita sa Kaniyang mga alagad, na inakalang ang kanilang maestro ay bumangon mula sa kamatayan!

Salungat sa teoriyang ito, kailangang malaman na ayon sa kaugalian ng mga Romano, ang mga Romanong berdugo ay kinakailangang magbayad ng kanilang buhay, kung ang bilanggo ay nakawala sa kanilang kamay. Bukod pa diyan, ang mga ulat sa Ebanghelyo ay nagpatunay ng katotohanan na si Jesus ay namatay sa krus at ito ay pinagtibay ng sundalong Romano na nagsiguro sa pamamagitan ng pagpasok ng sibat sa Kaniyang tagiliran na nagresulta sa pag-agos ng dugo at tubig. Pagkatapos ng pagpapatunay na ito ay saka pa lamang naniwala ang mga sundalo na hindi na kailangang baliin ang Kaniyang mga binti upang mapadali ang Kaniyang kamatayan. 

Bukod pa diyan, ang teoriya na nahimatay ay tila kapani-paniwala, hanggang isaalang-alang mo ang mga mahahalagang katanungan katulad ng: A. Maaari bang paniwalaan na Siya ay makakaligtas nang tatlong araw sa mamasa-masang libingan, walang pagkain, tubig at panggagamot? B. Maaari ba Siyang makaligtas habang nakapulupot sa Kanya ang telang panlibing na may mga sangkap? C. Mayroon ba Siyang lakas na makaalis sa telang panlibing? D. Maaari ba Niyang itulak ang mabigat na bato mula sa pasukan ng libingan at kasabay noon na talunin ang mga guwardiyang Romano? D. Pagkatapos nito kailangan Siyang lumakad ng ilang milya sa mga paa na sinaksak ng mga sibat? Ang mga katanungang ito at marami pang iba ay naglalagay ng malaking hamon sa teoriya. 

Sa katunayan, sa teoriyang ito, nagkaroon ng mas maraming mga katanungan kaysa mga kasagutan na sinisikap na ibigay hinggil sa muling pagkabuhay. Ang kritikong Aleman na si David Strauss na hindi talaga naniniwala sa Muling Pagkabuhay, sa kaniyang aklat, ‘The Life of Jesus for the People’ ay isinulat, “Imposible na ang isang tao na nanggaling sa libingan na halos patay, na mahina at may karamdaman ay gumapang, na nangangailangan ng panggamot, ng benda, pampalakas at magiliw na pangangalaga, at sa huli ay nadaig ng paghihirap, ay nakayang bigyan ang mga alagad ng impresyon na Siya ay manlulupig ng kamatayan at libingan; na Siya ay Prinsipe ng buhay. Ito ay nakalatag sa ilalim ng kanilang ministeryo sa hinaharap. Ang pagpapanumbalik ng malay na iyon ay makapagpapahina lamang ng impresyon na Kaniyang ginawa sa kanila sa buhay at sa kamatayan-o higit pa riyan, na maaring magbigay ng malungkot na tinig-ngunit maaaring walang posibilidad na mababago ang kanilang pagdadalamhati patungo sa kasiglahan o ang pagtaas ng kanilang paggalang patungo sa pagsamba.”

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Case For The Resurrection Of Christ

Ito ay naglalayon na magbigay ng matibay na ebidensiya at argumento na panig sa muling pagkabuhay ni Cristo. Ang mga argumentong ito ay para sa pagsagot sa mga katanungang ipinahayag ng mga nag-aalinlangan, mga kritiko, at maging ng mga naghahanap ng katotohanan. Subalit, naniniwala ako na sila ay magiging malaking tulong din sa mga mananampalataya.   

More

Nais naming pasalamatan si Balajied Nongrum, Tagapagsalita at Tagapagsanay at ang RZIM India sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://rzimindia.in/